Thursday, April 23, 2009

Rafael Restaurant in Caloocan

Photobucket

Ang Rafael Restaurant ay isang sikat na "high end cafeteria" sa tabi ng La Consolacion College Caloocan. It is a family operated business, kaya buong pamilya nila ay involved sa everyday operations nito (from the cook to the cashier). Matagal na akong customer ng Rafael, since college days ko sa Laco ay suki na nila ako, hanggang ngayong malaki na ang anak kong si Justine ay we still continue to patronize this food establishment. Karamihan sa mga regular customers nila ay mga taga-city hall, mga med reps, mga ahente, mga teachers at students ng Laco. Masasarap ang mga food nila, if you're looking for delicious Filipino dishes kapag nasa vicinity kayo ng Caloocan City Hall ay ito ang talagang highly recommended kong puntahan nyo. The place is clean, the owners are nice, reasonably priced at higit sa lahat yung food ay talagang the best!

Photobucket
For Breakfast they usually have pandesal, hot sopas, macaroni, pansit, sinangag w/ longganisa or tocino and salted egg

Photobucket
One of their bestseller "Lechon Kawali" served with sweet & sour sauce and thinly sliced unripe papaya

Photobucket
That day, they have Hawaiian Chicken, Paksiw na Bangus, Ginisang Ampalaya, Lumpiang Sariwa, Beef Caldereta (the best din ito pero hindi nasama sa pic) menudo, paksiw na lechon etc.

Photobucket
They also have Fried Tilapia and Fried Chicken

For merienda they usually have:

Photobucket
Ang favorite kong minatamis na Cassava

Photobucket
Hindi nawawala ang Ginatan

Photobucket
eto ang kanilang dessert that day

Photobucket
pwede rin ito, kung ayaw nyo ng matamis na leche flan

Mayroon din silang sandwiches at masarap na Palabok for their afternoon snacks(pero di ko napicturan :( sorry... )

Photobucket
Open from Monday to Friday 7:00 am to 6:00 pm

Rafael Restaurant
A. Bato St.,
(Beside La Consolacion College)
Caloocan City

3 comments:

  1. Dati di ganyan ang itsura ng Rafael's,no?

    ReplyDelete
  2. Oo, bongga na sila ngayon, hehehe may "left wing" na...

    ReplyDelete
  3. SA AMIN YAN..
    --ELAINE RAFAEL

    ReplyDelete

Let me here from you ...