Sunday, April 26, 2009

Lechon na Liempo - Luto sa Pugon (Part 2)

Kaninang umaga around 7:00 ay nagpunta na naman ako sa favorite kong bakery ang "Sampaguita Bakery" hindi para bumili ng pandesal kung hindi para magpa-lechon ng liempo na binili ko sa palengke kahapon. As usual, kinuha ng tindera na nagbebenta ng pandesal ang aking dalang supot at tinimbang, kumuha siya ng isang maliit na papel at inilista sa listahan ang presyo na dapat kong bayaran, at oras na dapat kong balikan at hiningi ang aking pangalan upang ilista dito (for identification, hehehe) "Ate ano pong pangalan ng kukuha" ang sabi ko "Rizza" ok, nung binigay yung papel ang nakasulat "Lezza" sabi ko ng pabiro "Miss lagi akong nagpapaluto sa iyo, pero hindi mo tinatandaan ang pangalan ko, napakaiksi lang naman, magtatampo ako niyan" ang sabi niya "sorry po ate", "ok lang" ang sabi ko. Kinuha niya yung papel binura yung Lezza at inilagay niya ay "REZZA" Nyek lalong sumagwa ang pangalan ko! huwag na nga lang magreklamo hmmp! Hindi kaya ngongo ang pagkakasabi ko ng Rizza or bingi yung tindera? hehehe...

Anyway, binili ko yung liempo kahapon at tinimplahan ng tita namin salt and pepper lang, inilagay na niya overnight sa freezer. Hindi na namin pinakuluan. Kaninang umaga around 5:30 AM ay inilabas na siya sa freezer at dinala ko na sa bakery ng 7:00 am.

ito na ang finished product... pampabatang Lechon na Liempo sa Pugon

Photobucket
"BRAVO" para sa panadero na nagluto nito! hehehe

Photobucket
sobrang lutong ng balat, ang ganda ng pagkakaluto at juicy siya inside, hindi siya dry...

Photobucket

at gumawa ako ng sawsawan: vinegar, coconut brand ng soysauce, chopped onion, sliced na siling panigang, konting sugar, salt and pepper.

Photobucket

O ayan, imagine kung ilang pounds na naman ang nadagdag sa timbang ko niyan pagkatapos naming lafangin ang liempo. hayyy... a very sinful food indeed!

3 comments:

  1. ang bilis mo peachy ah! hehehe, sakit pa ng tiyan ko, until now... bondat kami lahat!!!

    ReplyDelete
  2. Saan po ang sampagitA bakery, i want to try it... Looks yummy

    ReplyDelete

Let me here from you ...