The other day kailangan kong maaga magising dahil dadalhin ko pa sa Sampaguita Bakery dito sa amin ang manok na nabili ko sa palengke. Yes, tama ang nabasa nyo, kapag gusto ng mga anak ko ang roasted chicken ay bumibili ako ng fresh at ito ay aasinan ko at ilalagay ko na sa freezer, kinabukasan ko na ito dadalhin sa Bakery @ 7:00 am...mga 10:30 ay luto na ito at pwede ko ng balikan. Masarap ang luto sa pugon, nakalakihan ko na itong ginagawa ng aking lola. Mas lalong masarap ang Liempo or ulo na ipapa-lechon dito. Ang per kilo ng liempo na for ihaw ay P40.00 ang charge nila, sa ulo naman ay P 100.00 per kilo ang singil. Pero naman, kapag naluto na ay sobrang solve ka naman sa "lutong" at lutong-luto ang loob nito....
kayo, nasubukan nyo na ba ang magpa-lechon sa mga bakery?
Dito sa amin sa Tugatog ay sikat ang Sampaguita Bakery sa pagpapa-lechon. Gumagamit sila ng kahoy sa kanilang pugon kaya masarap talaga ang pagkakaluto. Kapag may mga okasyon ay pila ang mga tao dito, kadalasan ay umaabot sa mahigit 100 ang nagpapaluto kadalasan ay ulo at liempo...
Sampaguita Bakery
M.H. del Pilar St., Tugatog, Malabon City
i prefer grilled or roasted chicken than fried :D breast part please!
ReplyDelete