Last week, galing kami sa Antipolo to visit the wake of my cousin-in- law. It was a sad reunion between me and my cousin who work abroad as a seaman. His wife died while giving birth to their first baby. After three years of waiting ngayon lang sila nabiyayaan ng baby boy but it is very very sad na mawawala naman pala ang kanyang pinakamamahal na kabiyak. I can see the pain in his eyes, i felt it too. Until now, kapag naaalala ko yung nangyari ay nalulungkot ako for him and for the baby - Troy Sebastian na hindi na nabigyan ng chance na makasama ang kanyang ina sa kanyang paglaki. Kaye, as we fondly called her was also an only child, so just imagine the pain ng parents ni Kaye sa kanyang maagang pagkawala. Pero siyempre, iba ang sakit na mawalan ng kabiyak... kaya para sa aking pinsan na si Roldan...itong tula na ito ay para sa iyo....
PAGLISAN
Sa iyong paglisan, puso ko’y tumangis,
Di ko akalaing tadhana’y kay bangis,
Magandang ala-ala mo lagi ang aking nais,
Upang harapin ating supling na iyong kawangis.
Kay hirap palang magpatuloy na mag-isa,
Kung masayang ala-ala ang laging nakikita,
Pait sa aking puso kailan mawawala?
Paano ang aking bukas ngayong wala ka na?
Sa iyong paglisan, ako’y nasa kawalan,
Nasa paligid ko’y laging iniiwasan,
Ang kirot sa dibdib di ko maintindihan,
Bigyan mo ako ng lakas na makakapitan.
Mahal ko sana ikaw ay laging masaya,
Sa kandungan ng Poon natin ikaw ay lumigaya,
Upang mapanatag kalooban kong nagdurusa,
Aalalahanin kita sa lungkot man o ligaya.
No comments:
Post a Comment
Let me here from you ...