Ang hassle lang dito sa CME ay hindi ka pwedeng magdala ng food inside the resort, just like sa Splash Island mahigpit sila talaga at yung mga guard sa entrance ay bubusisiing mabuti ang inyong mga bags... May mga kainan inside like, Jollibee, Chowking and Shakey's booth. Sa ganitong mga outing, hindi kami mag-eenjoy kung eto ang mga kakainin namin, mas maganda yung may baon kayo at salo-salo sa isang masagang kainan. By the way, since hindi pwedeng ipasok sa loob ang mga food ay sa parking area kami kumain... may covered parking naman doon, so lilim naman kung dun kami kakain...
At dahil sa kagustuhan naming magbaon, imagine gumising kami ni hubby ng 4:00 in the morning para mag-ihaw siya ng liempo at chicken wings ako naman ay nagluto ng macaroni topped with melted cheese at si Yeye (our tita) cooked our favorite red crabs (na mga bakla!!!) na sobrang taba... for our merienda bumili na ako ng cake the day before kasi wala namang mabibilhan ng super aga at yun ngang macaroni. Kaso i forgot to take pictures ng merienda namin :(
Food Pavillon (Jollibee, Chowking & Shakeys)
Ang mga baklang Red Crabs bow....
Grilled Chicken Wings
Liempo
Mangoes
Sarap ng kain namin ni Jeff :)
Justine, Yeye with Gina and Lalaine
Bye Bye CME!!! We'll definitely go back here!!!!
No comments:
Post a Comment
Let me here from you ...