Thursday, April 9, 2009

Antipolo Goodies!

Kahapon ay galing kami sa Antipolo para dalawin ang isang kamag-anak... Sikat ang Simbahan ng Antipolo dahil dito nakalagak ang Our Lady of Peace and Good Voyage... ang alam ko ay patron ito ng mother ni Dr. Jose Rizal. Sikat din ang simbahan na ito dahil dinadayo pa ito ng mga may bagong sasakyan para "ipa-bless" at para patunubayan ang mga taong maglalakbay sakay ng kanilang mga sasakyan. Ito ay isa sa mga paniniwala ng mga Pilipino. Kailangan ipa-bless ang bagong biling sasakyan upang laging patnubayan ng Poong Maykapal kapag naglalakbay o nasa biyahe. Sikat din ang simbahan na ito dahil dinadayo sila sa kanilang masarap na Kasoy, Suman at Kalamay... Hindi kumpleto ang punta mo dito sa Simbahan kung hindi ka bibili ng mga nabanggit na produkto.

Photobucket
One of the stalls outside the vicinity of the church. (mas mahal na kasi kapag doon ka sa "Pasalubong Center" ka bumili inside the church vicinity)

Photobucket
Kalamay - madaya yung nabilhan namin, yung display ay may latik, yung binigay niya sa amin ay wala :(

Photobucket
Suman sa ibos - hindi na ako bumili, sawa na ako nyan dito sa amin eh..

Photobucket
Three kinds of Kasoy
Yung light ay plain, yung medyo brown ay adobo flavor at yung isa ay roasted kasoy. Yung adobo flavor ang binili ko kasi mas nasasarapan ako sa kanya. Ang isang malaking baso ay P 70.00 (medyo mahal pa din) pero ok lang, satisfied naman ako sa lasa nya, madaming garlic eh. Yung roasted kasoy ay mapait... mas mabili siya sa mga taong may diabetes. Maganda daw kasi sa kanila yung medyo bitter dahil nakakatulong na mapababa ang kanilang blood sugar level. P 100.00 naman ang isang baso ng roasted kasoy.

2 comments:

  1. love the cashew nuts and suman!! yung kalamay mukha din masarap ah =]

    ReplyDelete
  2. yung cashew nuts masarap talaga yung adobo flavor kung mahilig ka sa garlic, ang sarap ng pagkakaluto eh. :)

    ReplyDelete

Let me here from you ...