Thursday, March 19, 2009

What to see in Baguio...

Mine's View 1

MINES VIEW PARK

kain tayo ng grilled corn

Talaga yatang hindi complete ang visit mo sa Baguio kapag wala kang picture dito sa Mines View, hehehe… kahit sobrang sandali lang ang oras mag-pose dahil sa sobrang dami ng naka-sunod sa iyo ay ok lang.

Pagkatapos maglibot-libot sa kanilang mga tiangge at pagkatapos magpa-picture sakay ng kabayo at ng famous doggie ng Mines View na St. Bernard, ayun ready nang lisanin ang lugar na ito, na nakakapagod dahil sa mabatong hagdanan paakyat at pababa dito.

we're at the Mansion
The Mansion

Kailan kaya natin masisilayan ang loob ng Mansion? Kapag siguro may naging kamag-anak na tayong president ng Pilipinas or kahit vice president, pwede nang makituloy dito, hehehe…

The Wright Park
The Wright Park (Pangit daw kasing pakinggan kapag Wleft Park...hehehe)

Tanda ko nung maliit ako, sa isang eksena ng movie nila Sharon and Gabby ay dito kinunan sa Wright Park. Gandang-ganda ako sa scene na iyon, yun pala sa personal ay parang ordinary lang siya. Grabe "taga" (as in mahal!) magbenta ng fruits ang mga vendors dito. Sa market na lang kayo bumili, tumanggi kayo kung sasabihin nila na babantayan nila ang car nyo, kasi in return kailangan nyong bumili sa kanila.

Photobucket
SM Baguio

Nag ikot-ikot lang kami dito, dami ring nagsulputang kiosk/foodcart na tulad din sa atin sa manila. Same restaurants din.

We're at The Manor
Camp John Hay - The Manor

CJH Golf Course

Masarap tumira dito, kung marami lang akong pera bibili ako ng property dito, kaso hindi ako ang nanalo sa 6/49 draw sa lotto eh, hehehe… hindi naman pwedeng dito sa The Manor ka magtagal eh di butas ang bulsa mo sa mahal ng accommodation. Let’s just enjoy the view and the beauty that surrounds us kapag nandito sa CJH.

nice view!
Hawak kamay - Kasi may bangin sa likod namin!
hahaha!!!

Baguio Cathedral 3
Baguio Cathedral

We never failed to visit this Church kapag nasa Baguio kami. To give thanks to our Lord sa safe na paglalakbay namin and also for the blessings na binibigay nya sa aming family. Hindi kami makaka-akyat ng Baguio kung walang blessings from Him. We attended the 6:00 am mass in this pic.

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...