Wednesday, March 25, 2009

Mini Stop Ice Cream in Cone

I've been wanting to blog the ice cream in cone of the ministop convenience store. I happen to be at their store (caloocan city hall branch) for about an hour the other day waiting for my friend to arrive. There were lots of students in line for this ice cream, it's cheap that's why many are patronizing it. Pero i noticed that kaya pala matagal ang pila dahil matagal din ang pagse-serve nito. Imagine pagbili mo nito ay kukuha ng cone ang cashier and then diretso sya sa machine at kanya itong lalagyan ng ice cream. Napansin ko din na bilang ang pag-swirl nila, if i'm not mistaken ay 2 ikot lang. What really amazed me ay yung ginagawa nilang pag-timbang... (yes they're weighing their ice cream!) Ice cream in cone tinitimbang? pwede pa sa french fries sa mga fastfood chains timbangin at kung sobra ay bawasan at kung kulang naman ay dagdagan, pero yung ice cream? Holy cow!!!

Photobucket
eto yung kanilang ice machine malapit lang naman sa counter

Photobucket
ay nakatalikod! bilis miss dami pa nakapila!

Photobucket
see? tinitimbang...hehehe

So dahil sa hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, hindi ko na mapigilan ang sarili kong bumili ng mineral water ( tapos ko nang kainin ang nauna kong inorder) para maitanong ko lang sa cashier anong reason ng pagtimbang ng ice cream... here's the actual conversation.

simplemom: miss, i'm just wondering, bakit tinitimbang yung ice cream?
cashier: ma'am, utos po kasi ng management eh...
simplemom: ah, paano miss kung sobra sa timbang? anong gagawin nyo? didilaan nyo kasi sobra? hihihi
cashier: hehehe, ma'am hindi po, pag po sumobra ng konti ok lang daw po, kasi po may bilang naman po ang pag-ikot, 2 lang po ma'am.
simplemom: eh miss kanina pa kasi ako dito, sorry ha, na noticed ko lang din na kung sakaling kulang, eh mukhang hindi mo din naman dinadagdagan eh...hehehe... at saka ang tagal ng pila oh, parang pampatagal pa sa time nyo ang pag-weigh eh hindi nyo din naman dinadagdagan kung sakaling kulang....
cashier: oo nga po eh...

This was the conversation that takes place between me and the lady cashier. hindi naman pala nasusunod ang pag-timbang ng ice cream which is kinda weird eh bakit hindi na lang nila tanggalin ang weighing scale, imagine sa loob ng almost 1 hour ko don eh, hindi ko nakitang nagdagdag man lang, kung sakaling kulang ang inilagay, at hindi naman nila pwedeng bawasan din ang ice cream kung sakaling napadami wala naman silang nakalaang lalagyan ng sobrang ice cream.... hay buhay.... sometimes may mga rules ang management na parang wala namang sense... sana naman ay mabasa ito ng management nila at magmuni-muni kung tatanggalin na lang nila ang kanilang weighing scale or sabihin nila sa akin "wala kang pakialam" hehehe ang isasagot ko naman ay "meron, meron, meron, kasi ang tagal kong pumipila everytime na bibili ako! dahil lang sa tinitimbang na mga ice cream na yan"!!!

3 comments:

  1. Lam mo nanigaw na ako ng manager jan sa mini-stop sa city hall.Paano ba naman,nakabili kami dati jan ng Purefoods Salami na luma na at kapag binuksan mo at pinaghiwa-hiwalay ay nadudurog!

    Hay,winarla-warla ko sila jan!

    ReplyDelete
  2. hehehe, Peach! parang ang weird kasi no? ice cream na tinitimbang... may bad experience ka pala dyan sa branch na yan, sana improve nila service nila...

    ReplyDelete

Let me here from you ...