Thursday, March 19, 2009

Baguio Market - Pasalubong Express

Dito mas mura talaga ang mga fruits and vegetable. Lalo na ang strawberries P 70.00 ang per kilo. I bought 10 kilos (P 700.00) para sa fruitshake store ko at inilagay nila sa styro box which they charge for P 20.00.

Photobucket

Strawberries!

Dito rin masarap mamili ng peanut brittle at ibang items for pasalubong. Everytime na pupunta kami dito, Romana (peanut brittle) ang hinahanap namin kahit medyo pricey ay masarap naman talaga at para siyang Pringles na “Once you pop, you can’t stop” dahil hindi mo siya titigilan hangga’t di sumasakit ang ngipin mo. Ayaw ko nung mga kulay dilaw na peanut brittle na durog ang mga nuts at walang laman sa gitna.

Baguio - Pasalubong

Pasalubong - Romana

BUT !!!!

There’s a new peanut brittle named “BAGUIO PARADISE” at ang kanyang packaging ay very similar sa Romana. The lady told me na magkalasa lang sila ng Romana, hindi naman ako naniwala kasi nakalakihan ko na yung tatak na iyon eh. Pero for curiosity sake ay bumili na rin ako, kasi yung small bottle ay 3 for 100 lang naman so I give it a try. Grabe! Sobrang hinayang ako at 3 pcs. lang ang binili ko. Nung tinikman ko siya ay magkasing taste lang sila ng Romana pero yung price nila ay sobrang layo ng difference… So guys, next time you’ll visit Baguio and looking for a cheap but delicious peanut brittle ay highly recommended ko ang “BAGUIO PARADISE”.

Baguio Paradise

"SUNDOT KULANGOT"
Sundot Kulangot
Ang pangit ng pangalan ng pagkain na ito! Bakit kaya ito pa ang naisipan nilang itawag dito, nakakawalang-gana tuloy kainin. Yuck! Sabi ng bunso ko…

WALIS TAMBO
Walis
My lola comes into my mind nung binili ko ang walis tambo na ito. Kasi ang laging litanya nya tuwing bibili sya ng broom sa palengke dito sa amin ay, “matibay ang gawang Baguio” yung nabibili daw kasi dito sa Manila ay madaling mapudpod. Kaya ayan “lola pasalubong ko sa’yo, gawang Baguio!!!”

EVERLASTING
Everlasting
I bought 3 pcs. of everlasting flower para sa Poon namin. Sana lahat ng bulaklak ay everlasting! Hehehe…siguro mumurahin ako ng may-ari ng mga flower farm like Holland Tulips kapag nagkatotoo ang wish ko! Bagsak negosyo nila sigurado….hehehe sino pa nga naman ang bibili ng flowers everyday kung pwede itong tumagal ng pagka tagal-tagal..hahaha!!!

UBE JAM
Good Shepherd - Ube Jam
May Good Shepherd Ube Jam din dito sa palengke ng Baguio kaso mahal naman siyang di hamak. Kaya diretso na lang kayo sa GSC (Good Shepherd Convent) kung madami-dami ang inyong bibilhin. Imagine may patong na silang P40.00 per bottle kapag sa palengke ka bumili. Kung masyado naman kayong nagmamadali at you want a much cheaper version ng ube jam na gusto ninyong ipampasalubong ay pwede na rin ang TANTAMCO (if I’m not mistaken with the name) mas smooth nga lang ang GS ube jam.

STRAWBERRY JAM
Sugar Free Strawberry Jam
Nakakatuwa kasi may Sugar Free Strawberry Jam ang GS. Napabili tuloy akong bigla, kasi nga si hubby ay isang diabetiko. At least enjoy din syang kumain ng kanyang bagel without feeling guilty dahil sugar free naman ang spread nya.

ANGEL COOKIES
Angel Cookies
Babait siguro ang mga tao kung laging kakain ng angel cookies ng GS hehehe… kasi naman, mga durog na host ang isa sa mga ingredients nya eh. Makakaisip/makakapagsalita ka pa ba naman ng masama kung yun ang nasa bibig mo.

Wow Longganisa!
Maganda lang siyang tingnan pero hindi po sila mga authentic na Vigan Longganisa...
Hindi sya masarap!

Well, ayan po ang mga nabili naming pasalubong for friends and families, yung mga souvenirs shirts at native products ay nakalimutan kong picturan.

Yung bunso kong si Jeffrey ay binilhan ko ng PMA shirt...kasi mahilig siyang manood ng "Tayong Dalawa" kasi siya daw si "DAVID GARCIA III" hahaha!!!

5 comments:

  1. we never fail to buy pasalubong from Baguio! strawberry jam, Good Shepherd ube jam, peanut brittle, raisin bread and pastries from Baguio Country Club, fress strawberries & chocolate krispies ;)

    and of course, the tupig & puto, kutchinta from Calasiao whenever we pass by Pangasinan on our way home!

    foooodtrip!

    ReplyDelete
  2. my nabili ung friend ko na chocolate dipped polvoron made from baguio.. Remedios chocolate dipped polvoron ung nasa label .. mahirap hanapin ung store nila kaya when we went to baguio i just texted them sa number na nasa label. 09153556188 ung number.. sarap din ung mikasan chcoflakes.. i love baguio!!!

    ReplyDelete
  3. let me hear po.. not here ☺☺☺

    ReplyDelete
  4. Hi san nakakabili ng baguio paradise peanut brittle? Meron ba sa market?:)

    ReplyDelete

Let me here from you ...