Tuesday, March 17, 2009

Blogger Ako!

This poem is dedicated to all Filipino bloggers out there... as what i've told you, mahilig akong gumawa ng mga tagalog poems... kaya para sa inyo ito!

Blogger ako!

Ako’y isang blogger, ipinagmamalaki ko!
Hindi mapigilang pumindot sa keyboard na ito
Paggising sa umaga, bubuksan ang PC ko
At sa kapwa blogger ay babati ako.

Laging may dalang camera saan man magpunta
Baka maka-scoop ng bagong maibibida
Sa bagong kainan o pasyalan, laging nakamata
Tumatalon ang puso, kapag nakauna.

Nagkaron ng new friends dahil sa hobby na ito
Lumawak ang link, tuwang-tuwa ako
Ngayon pati mga bloggers E.B. pinupuntahan ko
Kasi nga naman ay, kilala na rin nila ako.

Hay buhay blogger, tingin ko’y hindi simple
Kailangan mo rin ng budget para may pambile
Ng mga pagkain, load, gas at pamasahe
Para ang entry mo ay maging swabeng-swabe.

Pansin ko lang sa ating mga blogger
Nasisira ang ating mga zipper
Sa weighing scale ng aking brother
Kitang ako’y isang certified food blogger!


By: simplemomrizza

2 comments:

  1. i super enjoy reading your blogs. just came across it yesterday dahil sa pagsesearch ko sa nathaniel's ng pampanga.....my cousin kasi hand me a box of siomai from nathaniel's and i wondered, where am i all this years na di ko man lang natuklasan ang kainang ito.....hehe...i am also a blogger, just starting palang naman. nakakarelate ako everytime you miss blogging kasi ako ganun din, sobrang daming stuff na gusto ikwento yet can't find the time to do it...would really want to have a food blog in the future too, pag kaya ko na imanage.....thank's so much for sharing your thoughts, i am sure di lang ako kundi marami kami nag eenjoy basahin ito.

    ReplyDelete
  2. pahabol pala.....i also love your poems...super cool just like your being a super cool wife, mom and a friend....congratulations and happy blogging!

    ReplyDelete

Let me here from you ...