Thursday, March 19, 2009

Our 12th Wedding Anniv. - Baguio

Feb. 7-8 ay umakyat kami ng Baguio to celebrate our wedding anniv. Actually Feb. 9 ang exact date pero dahil birthday din ito ng anak naming si Justine ay pinili na lang namin ang 7-8 para naman on the 9th ay mai-celebrate namin ang kanyang 15th birthday. Baka magtaka kayo… 12th wedding anniv pero 15 na si Justine? Actually 16 years na kaming magkasama pero dahil mga bata pa kami noon, hindi agad kami nagpakasal, that’s the best explanation for that, hehehe. Bihira kaming maka-alis ng ganito kasi ay pareho kaming busy sa aming munting bisnes. Kaya we make sure that we’ll enjoy every moment of it.

Marcos Hi-way
Marcos Highway - papunta po kami nyan...

Iba ang feeling pag nandito ka sa Baguio. Malayo sa busy routine at pressured everyday work natin dito sa Manila. You’ll notice na mas dumami ang mga dining places, pero sa pasyalan ay yun at yun pa din naman… depende na sa iyo kung ano ang iyong itinerary at ng maiba-iba naman ang experience mo. What saddened me ay yung mga mountains ay talagang napupuno na halos ng mga kabahayan at mga dine-develop na subdivisions.

Baguio

We hope na makabalik kami soon with the kids. Para family bonding naman. Pero it’s good that couples should have quality time also na walang baby or kids on the side. Parang both of you will reminisce the times nung kayo palang dalawa. You’ll discover something new in your partner sa paglipas ng mga panahon, hindi pwedeng walang bago. There will be secrets that will be uncovered that will excite both of you, good or bad I think you’ll have to accept it. You didn’t marry a person to change him the way you want him to be. Sa akin, maybe you can just tame him ng konti hehehe… Pag walang tampuhan parang walang spice ang marriage. Masarap din paminsan-minsan ang nililigawan ka uli (ewan ko lang kung may kokontrang mga misis sa sinabi ko).

Photobucket

The Lion's Head
Kennon Road - pauwi

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...