Friday, May 28, 2010

Trellis

Hubby and I attended the orientation for parents of the incoming freshmen students in diliman. According to them it was the first time that an orientation were held for the parents. Kasi nga naman di ba pag doon pumasok, nasa isip na ng mga tao na matatalino naman ang mga bata dyan kaya there's no need na for parents orientation, pero siyempre naiiba ang panahon, kaya kailangan ding ma-orient maigi ang mga parents lalo na para sa kapakanan ng kanilang mga anak na pumapasok sa unibersidad na iyon. Maayos na natapos ang orientation pero it was already around two pm nung kami ay nananghalian na.
Hinanap pa namin ni hubby ang Trellis. He wanted to try Trellis' famous sisig, madami na kasi siyang nabasang forum saying that their sisig is one of the best in the metro. Kaya go kami dito.

Trellis is along Kalayaan Ave. cor. Matalino St. in Q.C.

Ganda ng lugar, kaya I took pictures while waiting for our lunch.

I wonder kung punong-puno ba ito kapag lunch time or dinner time...

ganda ng ambiance sa Trellis...

Then our food came, a little bit excited and very hungry at the same time, naisip ko na sulit naman siguro ang pag-iintay namin... pero nung nalasahan ko na, hindi naman pala ganung kasarap ang sisig nila, simply overrated lang pala ang food dito sa Trellis.
Sisig

Sinigang na Maya-maya sa Miso

Hubby was disappointed with their Sinigang sa Miso, kasi hindi fresh na Maya-maya yung nakalagay para siyang pinirito na sinabawan lang ng sinigang na miso soup. Maybe it was their version pero hindi talaga namin nagustuhan.
The iced tea was just okay

I don't think na babalik pa kami dito... pero malay ko din naman, next time baka masarap na ang food nila at pumasa na sa panlasa ni hubby.





2 comments:

Let me here from you ...