Thursday, May 20, 2010

Here Comes the Bride

Last night ay inaya kong manood ng movie si hubby at isinama namin ang aming mga ihos. I really wanted to watch this movie dahil trailer pa lang ay nakakaloka na siya. Since nawalan ng internet connection kahapon ay maaga na lang kaming nagsara at humabol sa last full show. Ang daming tao sa loob ng sinehan... talagang nag-click ang pagpapatawa ni Angelica at Eugene kaya naging mas napag-usapan ang kanilang movie. Lahat ng major casts ay talagang may kanya-kanyang moment sa movie at halos sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Si Jaime Fabregas tawag ni Jeff ay Fr. Anthony ay ang galing talagang gumanap, si Tuesday din ay hindi nagpasapaw, John Lapuz ay kwelang-kwela lalo na sa kanyang pa-macho na role, Eugene (Uge) is no doubt one of the best actress in showbizness at talaga namang si Angelica ang panalong-panalo dito, ang hirap yatang magpaka-bakla! Ang galing-galing niya talaga!!!


Hindi pa naman huli ang lahat, you can still watch the movie... Now na!!!

1 comment:

Let me here from you ...