Monday, May 31, 2010

Things I hate...

Ayan, dahil hinamon ako ng aking friend na si Geraldine ng pahabaan ng list ng "Things I hate" eto at inisip ko ang sa akin, naku, madami-dami pala akong kinaiinisan kaya pala minsan "simang" na ang tawag sa akin ni hubby, hahaha!!!

Things I Hate!

1. Kapag disconnected ang PLDT-DSL ( walang kita ang shop!)
2. Kapag walang kita ang shop, mainit ulo ni Topher (and I hate it kapag ganon siya!)
3. Mga super kuripot na customer dito sa shop…
4. Mga maarteng tao!
5. Mga pa-sosyal, pero wala naman…in short MAYABANG!
6. Mga malulutong magmura, sinasaway ko dito sa shop (baka marinig ng mga bata lalo na ni Jeffrey)
7. Mga katulong sa bahay na pasaway! (ayaw na namin tuloy kumuha….)
8. Malilikot ang mga kamay na tao
9. Mga sidecar driver na makukulit sa daan, lagi tuloy traffic sa Sangandaan!
10. Mga jeep na Sangandaan – Polo, walang sariling terminal kaya masikip ang daan bago dumating ng palengke
11. Myself kapag may mga palpak akong nagagawa
12. I hate it kapag medyo tamad-tamadan si Justine sa mga chores (ayaw tumulong!)
13. Kapag laging nababasa ng pawis ang likod ni Jeffrey (baka magkasakit)
14. Mga pangakong napapako
15. Maduming surroundings…
16. Mga nagbubutas ng plastic ng basura ko! Sinisinop ko nga para di makalat, bubutasin naman nila yung lalagyan… hayyyy, pasaway!
17. Kapag hindi kami nakakapag-date ni hubby kahit once a month, hehehe…
18. Barista na nagbibigay ng bad shot na Espresso! Alam ko kung bad shot no! hahaha…
19. Pumunta ng Divisoria, pero pumupunta pa din ako…
20. Kumain ng kumain pero hindi ko naman mapigilan sarili ko!
21. Higit sa lahat ayoko ng mga tsismosa at mga tsismoso!!! grrrrrrr….

May mas hahaba pa kaya dito? Kayo Peach, Dj and Mishi ?

3 comments:

  1. hahahaha.....Yung # 20.... wala na tayong magagawa dyan..hahaha

    ReplyDelete
  2. Whoaa....mas marami pala sayo hahahah para palang ikaw ako kasi, simang din tawag sakin pag wala nako sa mood. Me mood swings din kasi ako eh.

    Kainis nawala ang chatbox ko, kahit yung sayo di nag-aappear pag nagdodrop by ako sa website mo. GBU.>>>Gigi

    ReplyDelete
  3. ang habaaaa naman ng list of the things you hate mo! hehe. mukhang di ko yan mahihigitan :-P

    ReplyDelete

Let me here from you ...