Thursday, May 20, 2010

Lita's Carinderia in Gumaca

Sunday morning ay nag biyahe na kami pauwi ng Manila, medyo malungkot dahil ang bilis ng aming bakasyon, pero masaya na rin dahil nakita ng mga kids ang kanilang lolo at lalong masaya dahil napasyalan nila ang ilang beautiful places sa Daet.
Mahaba ang daan pauwi kaya inabutan na kami ng lunch sa Gumaca, Quezon. Mabuti na lang din at sabi ni kuya ay may sikat daw na kainan along Gumaca kaya we decided to eat there.
Lita's Carindera ang name ng kainan at talaga namang hintuan pala ito ng mga bumabiyahe papunta ng Bicol at pauwi ng Manila. Hindi gaanong kagandahan ang mismong kainan pero ang maganda dito ay yung view sa harap ng Lita's ang malawak na dagat ng Quezon.

Tingnan nyo naman, halos puno ang parking area nila...


The food was okay, talagang carinderia ang set-up

Pero madami talaga ng kumakain,
ang daming Koreans nung kumain kami.

Eto ang inorder namin... hindi ko gaanong gusto ang lasa ng pagkain...
Parang masarap pa yung tinda ng kapit-bahay namin eh... hehehe...


Okoy, inihaw na pusit, sinigang na ulo sa miso, giniling, adobong atay at kanin

To think na inabot ito ng 1,200, para lang sa mga ulam na
ito at isang bandehadong kanin! Sana nag Jollibee na lang kami :(

Yun nga lang, parang binayaran mo na rin yung experience
na ang ganda ng view sa harap habang kumakain ka ay ito!


Sana ay ma-improve ng husto ng Lita's Carinderia ang lasa ng kanilang food para naman sa susunod na stop over namin ay mas ma-enjoy namin ang lasa aming pagkain at bonus na lang ang napakagandang view na ito sa itaas!

3 comments:

  1. THANK YOU SO MUCH PO :))
    GOD BLESSED :)


    - LITA's CARINDERIA

    ReplyDelete
  2. Medyo mahal nga pusit and other seafood considering malapit naman cla sa source

    ReplyDelete
  3. wala pong pagkakaiba ang price ng pusit sa palengke ng gumaca at manila kaya po un ung price nya is mahal but the taste is good than there because it is sariwa at ang sure ako walang ibang chemical yan..come again ma'am to served u better

    ReplyDelete

Let me here from you ...