Natapos na last Sunday ang tradisyunal na Santacruzan dito sa aming lugar. Ito ay pinangungunahan ng pamilya Adelino dahil sila ay nagseselebra taon-taon ng Pista ng Cruz. Natatandaan ko pa nung ako ay nasa elementary pa lamang ay naiimbitahan na kaming sumagala ng aking pinsan. Siyempre noon excited akong sumali at tiisin ang mahabang ruta ng lakaran. Pero nung high school na ako ay ayaw ko na, may hiya na kasi ako at baka makita ako ng aking "crush" (na naging kabiyak ko lamang) hehehe... san na kaya yung mga pictures namin?
Anyway, ang napapansin ko lamang sa Santacruzan ngayon ay pabonggahan na talaga! May gumagamit na ng bonggang caroza para nga naman mas madami ang humanga sa kanila. (Dinadaan sa props kumbaga, hehehe) at iba't-ibang eksena ang inyong makikita... tulad na lang ng isang ito, in fairness naman ay cute ang mga batang ito :) ganda ng kanilang caroza (rented ito tingin ko sa may Caloocan)
Ito naman ay ganoon din, nirentahan din at hindi na pinagpaguran ng kanilang mga may budget na parents, o di ba? At least, ang mga junakis nila ay hindi mapapagod maglakad!
Etong Reyna Elena na ito ay pretty rin, pero mukhang mas umeeksena ang mga nag-iilaw o tingnan ninyo, nakagitna pa talaga si Ate!
Etong Reyna Elena na ito ay pretty rin, pero mukhang mas umeeksena ang mga nag-iilaw o tingnan ninyo, nakagitna pa talaga si Ate!
I liked this one, kitang-kitang pinagpaguran ang kanyang arko, parang kiping ng Lucban Quezon ang drama ng arko nya... panalo for me!
hehehe mga singkit lang talaga sila with good looks :)
eto pabor ako dito, sa mga bata ay dapat mag-sidecar na lang dahil talagang mapapagod sila ng husto kung maglalakad sila. (blue kung blue!)
lalo na ang gown ng kambal... oh cutie girls, mapapagod ang mga paa ninyo nyan!
sige na nga, para naman ma-experience ninyo ang magsagala (peace :) )
No comments:
Post a Comment
Let me here from you ...