Sunday, January 31, 2010

Mga gifts ni Jeffrey

Eto ang mga gifts na natanggap ni Jeffrey. Enjoy na enjoy siya habang binubuksan ang mga gifts niya nung pag-uwi namin dito sa house. Kaso hindi ko naman nakunan ng pictures ang moment niya na yon, hehehe... (busy kasi ako sa pag-lafang ng naiuwi kong Ube Gelatin hehehe) Ang sarap niyang tingnan habang nagbubukas siya ng mga regalo, excited siya kung ano ang mga laman nito.
Etong bike na ito ay regalo ni kuya and Ate Emma kay Jeff. Gustong-gusto niya ito kahit medyo mataas ay lagi niyang ginagamit. Ako naman ang naloloka sa kanya dahil sa living room nagba-bike, aba naman laging iginigilid ang sofa at ako ang nahihirapang magbalik. Ayoko naman sa labas siya mag-bike at tabing kalsada kami, kaya siya pa rin ang panalo!

Some of the toys the he received...
actually konti nga yung toys, which is pabor naman for me kasi konti lang ang liligpitin ko kapag maglalaro siya ng new toys niya, wahehehe...


Madami ang shirts na pang-alis... puro SB din karamihan ng designs...wahehehe...

Ayan, buti at may bago siyang pambahay...



Katuwa at may mga nagregalo ng body bags, luma na kasi yung ginagamit niya sa school eh.

Ayan sila lahat!

Katuwa rin at mayroon siyang 2 GC's from SM at mabibili niya ang ibang gusto niya
(thanks to tita Sasa and tita Mhila)

2 comments:

Let me here from you ...