Eto ang shop namin...
Unang araw ng opisina ngayong 2010 at agad na ipinaasikaso ni hubby ang aming business permit. Maaga akong naglinis ng bahay at around 9:00 am ay nasa bank na ako to settle our credit card bills na umabot sa P ______ dahil sa aming mga pamasko (hehehe).... pagkatapos ay diretso na ako sa Barangay to get our Barangay Permit, good thing at hindi siya tumaas at P 100.00 pa rin ang kanilang siningil. Maganda rin na kamag-anak ko itong aming Barangay Captain na si Super SA at nakuha ko agad ang aking permit na dapat ay bukas pa ayon sa kanilang bagong regulations, (iba pala talaga pag kamag-anak, hihihi)
After lunch na ako nagpunta sa City Hall at medyo madami-dami na ang tao. Nakakapanibago dahil hindi sila gaanong mahigpit ngayon sa kanilang mga requirements pero ang may mga bagong certification na kailangan daw (echos!) worth P 100 ang bawat isa (eh dalawa yon) pwera pa ang notaryo na dalawang P 50.00 at may mga pabente-bente pa (P20.00) sa bawat mesa. Hmmmm, mukhang maluwag sila ngayon dahil mag-eeleksyon na, (tama si hubby) walang gaanong busisi sa mga requirements kaya natapos ko ng ilang oras (3) ng dating 2 days na pagbalik sa City Hall. Eh kumpleto naman kasi ang mga requirements ko at licenses kaya walang hassle. Teka, hindi ko yata nabanggit na hindi din nagtaas ang singil ng BPLO dito sa Malabon :)
Sipag naman...
ReplyDelete