Itong tula na ito ay nahalungkat ko sa files ko dito sa pc ko. Ginawa ko nga pala ito nung October pa pero ngayon ko lang siya naalalang ipost. Isang simpleng tula para sa maraming pinoy na may masaya at simpleng pamumuhay sa araw-araw. Sana ay magustuhan ninyo ito!
Buhay ng Pinoy
Buhay ng pinoy simple lang naman
Paggising sa umaga magdadasal na yan,
Magpapasalamat sa umagang nagisnan,
At haharapin ang araw na may kasiyahan.
Iinom ng kape, maghahanap ng palaman,
Sa paboritong pandesal solve na ang kanyang tiyan.
Papasok sa trabaho mag-aabang ng masasakyan.
Pagsakay naman sa jeep ang gusto sa hulihan.
Pagdating sa opisina babati sa mga kasamahan,
Chichika ng konti saka niya uumpisahan,
Trabahong di natapos ihahabol pa sa deadline,
Kung hindi walang bonus, magpapasko pa naman.
Ay naku! Lunch break na pala,
Sa canteen ay pipila pa ng mahaba-haba,
Kumakalam na sikmura, kering-keri pa niya,
Taimtim na umuusal may matira pa sana!
Bandang alas-dos, di na mapakali sa upuan,
Pasimpleng bubuksan ang facebook account niyan,
Saka mag-aani ng kanyang mga halaman,
Pagkatapos ay ngingiti, may napagtagumpayan.
Di napansin ang oras dahil siya ay nalibang,
Alas singko na pala, oras na ng uwian,
Magmamadaling magligpit ng mga kagamitan,
Dahil dadaan pa siya sa palengke doon sa may bayan.
Magluluto siya ng espesyal na hapunan,
Para sa pamilya na nagkakatuwaan,
Sabay-sabay silang kakain at magkakamustahan,
Tungkol sa kanilang araw na puno ng kasiyahan!
wow ang ganda naman ng tula mo congrats rizza!
ReplyDelete