Friday, July 23, 2010

12 days of absence

Wow! 12 days pala akong absent dito sa aking blog. I was not able to post entries during those days because concentrated ako sa paggawa ng reviewer ng aking bunso. Thank God at tapos na ang kanilang exam today :) Kaya I'm back to the circulation, hehehe. Kahit di ako umalis ng house, i'll share with you guys some of the happenings dito sa house. Ano nga ba ang nangyari nung mga nakalipas na araw bukod sa paggawa ko ng reviewer? Ah... nawalan ng kuryente sa halos lahat ng panig ng Metro Manila kaya sad kami dahil walang kita ang shop... at ang pinaka-worst ay ang pagkawala ng tubig sa loob ng 2 araw! Grabe!!! Mabuti na lang at may naipon kaming tubig kahit papaano at nakapag-igib kami sa pinsan ni topher na may deepwell. I hope na maging maayos na ang service ng Maynilad para hindi na ma-perwisyo ang mga tao!

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...