Wednesday, June 9, 2010

Kuntador ng Tubig

Anak ng tipaklong nga naman o! Ninakaw ang kuntador namin ng tubig! Ang kakapal talaga ng mukha ng mga gumagawa nito, eh ang mura nga ng bakal ngayon tapos pinag-interesan pa itong kuntador namin. (Hindi muna inantay tumaas ang kilo ng bakal!) Mabuti na lang at may isa pa kaming kuntador na konektado sa kitchen at sa labas at kahit papano ay may nagagamit kami, yung sa CR at sa aming labahan pa ang nawalan, my gosh abelgas talaga!!!

Abala masyado ang nangyari dahil dito!
Tatlong kuntador na magkakatabi, yung nasa taas ang sa amin,
kaya kami ang nadale... pag minamalas ka nga naman o!
Kailangan na sigurong ipa-enclose ng bakal itong lugar na ito para secure na siya. (pero teka, baka naman yung bakal na enclosure na ang nakawin sa susunod?)


5 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. tsk. tsk.. grabe naman! ok yan pinicturan mo riz sana pag nagkabit kayo ng bago ay di na kuhanin pa

    ReplyDelete
  3. Pati ba naman yan pinatulan pa!!! lam mo te Riz, dito kahit nawala na ang gamit mo mareretrieve mo parin sa claiming area or itatawag sa yo. Daming mga naglalakad dito bitbit mga laptops and nakikipag-usap along the road gamit ang blackberry or iphone pero dika kabado dahil wala naman hahablot. Hay...naku talaga! kakatakot sa Pinas. Ayokong i-compare pero daming crime satin.

    ReplyDelete
  4. Ang mga crime and nakawan na nangyayari satin it boils down sa kahirapan narin siguro. Sana naman ang bagong gobyerno me magawa para umunlad ang bansa natin.

    ReplyDelete

Let me here from you ...