Wednesday, June 30, 2010

Ying Ying for the nth time

Yesterday hubby was in the mood for malling. So after I fetched my son Jeffrey at Laco at 2:00 pm, we immediately dressed up and proceeded to MOA. We just stroll around and we really had a good time together. Hubby then asked the kids what they want to eat for dinner. Both of them answered Chinese Food, so hubby asked them if Super Bowl is okay since there's one in MOA, but the two of them stared at each other and answered "We want Ying Ying". So from Pasay we headed to Binondo and eat at Ying Ying for the nth time...
It's the new fave restaurant of the Chinese community in Binondo

Jeff while waiting for our order....

Still, the service is fast and the staff are very reliable. We ordered the kids favorite as usual...

Hot prawn salad.... (hindi mawawala sa order lagi)

Assorted cold cuts
(Asado, Lechon Kawali, White Chicken, Seaweeds and Century Eggs)

I asked hubby to order Sweet & Sour Fish Fillet this time...
Oh, it was perfect! Didn't know that masarap pala ang version nila nito:)
(Sawa na kasi ako sa Steamed King Fish nila eh)

Ginger Sauce
I like this one, actually my first time to try this kind of sauce, I don't like food na may ginger kasi, eh si hubby fave ito kaya tinikman ko na rin at voila! naging instant fan ako ng ginger sauce ng Ying Ying :)

Yang Chow

Mango Sago (Justine's favorite)

Jeffrey really loves Chinese food :)

Looking forward to another family bonding soon....

Kain tayo :)

Tuesday, June 29, 2010

Jhay's Birthday

It was my friend's birthday yesterday. I've finished my household chores early so that I can come to KFC at 12:00 noon. Jhay treated us with lunch and it was a happy afternoon for the 5 of us. Mga mommies ng Grade 2, chika to the max until 1:45 pm dahil labasan na ng mga kids namin ng 2 pm.

Grace, Me, Jhay and Lee (Marichelle took this shot)
(Wala yatang pagkakaiba sa mga katawan no?) hehehe...

with Marichelle...


Siyempre, we had KFC's bucket meal and some fixin...

I tried the Hot and Crispy this time...
but I still prefer the original one though :(

My fave KFC gravy!

and I just love their macaroni salad :)


Kain Tayo!!!


Sunday, June 27, 2010

Naaalala ninyo pa ba ito?

Last Friday ay nakita ko ang booth ng Fiesta Pizza dito sa may SMTC (palengke malapit sa amin) All of a sudden ay marami ng nag-flashback sa aking memory, mga masasayang childhood memories ko na kasama ang Fiesta Pizzas sa eksena. Nung bata pa ako syempre hindi pa uso ang Greenwich, Yellow Cab, Pizza Hut etc. Shakey's pa lang ang alam kong namamayagpag noon na sikat na pizza parlor. Pero mayroong Fiesta Pizza na swak na rin sa lasa at budget kung pasalubong lang ang pag-uusapan nung panahon na yon.

Mura pa rin siya ... this Super Special Pizza is only P 148.00

The taste is okay, just don't expect na lasang Yellow Cab or Shakey's
ang kakainin mo at okay na okay na siya, hehehe....


Ikaw? Naaalala mo ba ito?


Halika, kain tayo!





Saturday, June 26, 2010

Hubby's Beef Tapa

Yesterday morning ay nag-request si Justine sa kanyang daddy to cook Beef Tapa. Hubby's version is one of the best beef tapa we've ever tasted. It was well marinated and slow cook for hours. The last time we ate this was seven (7) years ago... hahaha, bakit super tagal nasundan? Well it's a long story but I'll share with you why... Seven years ago, habang kumakain kami nito ng dinner ay super nagkaroon ako ng severe stomach and back pain sa may right side ng body ko. Hindi ko na natapos ang pagkain at inabot ng midnight ay masakit pa din kaya isinugod na ako ni hubby sa ER ng UST, yun pala may gallstone ako na nakabara pa sa neck ng gallbladder. Ayun na, I underwent a cholecystectomy right away to prevent other complications. Grabe super extreme ang pain kaya nadala na akong kumain ng tapa na ito, hehehe... Yun palang pagkakaroon ng gallstone ay nakukuha sa mga pagkaing mamantika (oily foods) kaya pala na-trigger ng husto ng kumain ako nito kasi super mamantika yung beef tapa na niluto ni hubby.
But anyway, wala na akong gallstone, at wala na rin akong gallbladder (ouch!) at hindi na rin ako kumakain ng fatty foods (minsan na lang hehehe) kaya naisipan ko na ring bumili ng ingredients nito, yun nga lang pure lean meat ng sirloin beef.
Wow! Talagang the best itong tapa ni hubby! Yun nga lang ay super paalala siya sa akin na wag magpakabusog at baka may sumakit na naman sa akin, hehehe...
Katuwa si hubby, hindi na mamantika ang beef tapa niya...


Nagprito ako ng sunny side up at talagang gusto ko perfect siya!

See the beef tapa, puro lean part...

Ayan, at nagluto ng sinangag si yeye to complete our
Tapsilog for dinner!
Kain tayo:)







Friday, June 25, 2010

Fruits

No, I'm not following Peach' 7 days diet, hehehe... just want to share with you guys some of my fave fruits that hubby bought in Divi. I just love the Panglay (yellowgreen one) it's actually a kind of pear that is so sweet, oranges, syempre fruits in season like Lychees.

Oh, if I could only follow the 7 days fruit diet of Peachy!
Kaso mukhang hindi ko kakayanin, waahhhh!!!



Thursday, June 24, 2010

My 2 in 1 Chips Ahoy

Super love ko talaga si lola. A relative from the US gave her some pasalubong and she gave me these cookies kasi hindi naman pwede sa kanya because she's a diabetic (Papalitan ko na lang ng Murray na sugarfree lola). I'm very happy because it's two in one, hehehe... magkasama ang fave kong chocolate and oatmeal cookie, o di ba bongga?

Talagang perfect ito for me kasi gusto ko sa cookies ay
chunky and chewy :)


Sarap! Weeeee!!!!!


kain tayo :)

Wednesday, June 23, 2010

Gaye's Apple Walnut Square

I'm happy that Gaye granted my request. I ordered a box of Apple Walnut Square and we truly enjoyed this treat. I know that hubby loves this together with his fave mint tea.



There's a lot of walnuts, and love the green apples :)



Crunchy on top but soft inside...

yummy!






Tuesday, June 22, 2010

Cherries

The other day, hubby went to Divisoria to buy some ID lace. Before going home, he sees to it that he'll drop by at our suking fruit vendor in Sto. Cristo. This time he bought fresh cherries and some fruits. I didn't have any idea that it's quite expensive pala, P 700 per kilo. He only bought 1/4 kilo of it. (Kaya pala ang konti ng cherries sa mga cans ng fruit cocktails, hehehe)

Oh, I just love the color of cherries...





Monday, June 21, 2010

Father's Day

Yesterday morning, I woke up early to greet hubby a Happy Father's Day. I surprised him with a gift and he was happy when he saw it (I bought him a new arrival Adidas Shirt :) Oh, he just love Adidas so much...


He's a very responsible father. He will do anything to give the best for his children. He loves the kids so much that's why I adore him... I love you very much sweetipie :)

You're the number one dad for us!


Anyway, since it was a Sunday and we have lots of customers in our shop I still manage to cook his fave spaghetti. I asked Justine to buy a cake from Goldilocks to complete our afternoon snack.

Happy Father's Day again sweetipie!


Thursday, June 17, 2010

Rodic's Diner

I just want to share with you guys one of the best tapsilog joint in the metro. On the first day of school of Justine, we all went to Diliman to show our support to kuya and we also wanted to eat breakfast ng sabay-sabay at Rodics. The best ang kanilang tapsilog, hindi ka mabibitin sa beef na super tasty.

The shredded beef is on top of the rice.

I like the taste, medyo sweet ng konti ang beef.The place is always full everytime na dadaan kami sa shopping center where Rodic is located.

Justine and Jeffrey enjoying their breakfast.

Sarap talaga... you'll keep coming back kapag natikman mo!

Mila's Lechon atbp. for our Lunch

Because of the ocassion, nag-request ang mga kids ng masarap na lunch. Jeffrey wants Lechon and Justine likes to eat mechado, para walang gulo, hehehe ay pinagbigyan na lang pareho.

Hubby decided to buy Lechon sa Mila's in La Loma, Q.C. instead na bumili kami ng liempo at ipaluto sa pugon sa bakery ay dumayo na lang kami sa Mila's.

Sarap-sarap naman! Habang dumadaan kami dito ay natatakam na ako.

Pili na!

Hindi naman kami bumili ng isang buo, hehehe.
5 lang naman kaming kakain kaya 1 kilo lang ang aming binili.

Ang swerte namin dahil ang dami ng balat ng lechon na
ibinigay ng mamang nagtitinda sa Milas'.

Ang sarap ng balat!!!

Bumili rin nga pala kami ng Relyenong Bangus sa Dolor's.

Ewan ko ba kung bakit napakasarap ng kanilang Relyeno...

May kasamang sauce na lalong nagpasarap kainin!

Justine's request, ang masarap na mechado na niluto ni Yeye.

Si hubby naman ay gumawa ng fruit salad to complete our sumptous lunch :)

Sarap talaga pag Fiesta!!!

Fiesta sa Tugatog

Naku ang ipinangako kong update ay hindi natupad dahil naging busy ako sa pasukan ng mga bata. Dami kong binalutang books and notebooks, eh color coding pa kaya doble hirap. Pero okay lang kasi sinusuklian naman nila ng good grades ang mga paghihirap namin :) Anyway, back to fiesta mode tayo, here are the pictures taken last Sunday.

Ang aga pa lang ay may umiikot ng banda sa Tugatog kaya feel na feel mo ang fiesta atmosphere.

cute ng batang drummer (feel na feel niya ang ginagawa niya)

Dumadaan talaga sa bahay namin kasi corner lot kami at along the main road pa kaya walang ligtas ang mga ganitong scenes...

Hapon na ikot pa rin sila... di bale mukhang busog na busog naman sila sa dami ng bahay na nagpapa-merienda sa green band na ito.

Hindi mawawala ang senaryong ito pag fiesta dito, sa gitna ng daan ay may mga kabataang may dalang mga batya na nanghihingi ng coins sa mga dumadaang sasakyan.

Para saan ang mga barya?

Para sa premyo ng mga palaro na kanilang inorganisa... O di ba, buhay na buhay ang spirit ng fiesta dito sa amin! Hehehe...

Getting ready for the Basagan ng Palayok
Nakakatawa naman itong next game nila na naisipan ng mga tambay dito sa amin, parang version ng oblation run ng UP, hehehe... paano?

Yun nga lang, mga bata ang bida, hehehe... tatakbo sila ng hubad (naked) paikot sa isang kalye sa amin, ang mauna syempre na makabalik ang panalo!

Ayan! Paunahan ang mga batang pasaway na ito,
hindi talaga sila nahihiya basta may premyo, hahaha!!!

and the winner is.... nyahahahaha!!!

Masaya talaga ang fiesta dito sa amin,
ano na naman kaya ang pakulo ng mga tambay next year?