Friday, April 16, 2010

Kamayan sa Palaisdaan sa "Bay"

Since ang Laguna route ang aming binaybay nung pauwi na kami ng Manila galing Lucban ay inabutan na kami ng oras ng pananghalian sa daan. Pagsanjan pa lang ay medyo tomguts na kami pero sabi ni hubby ay hanap na lang kami ng medyo kakaibang restaurant para naman masulit ang experience (hehehe), nakarating na kami ng Pagsanjan, Sta. Cruz, Pila Laguna ay wala pa rin kaming mapili na kainan, hanggang makarating kami sa bayan ng "Bay" at doon ay nadaanan namin ang "Kamayan sa Palaisdaan" wahehehe... sa isip-isip ko hindi na kami "nadala". Anyway, since yun lang ang maayos na kainan na nadaanan namin at talagang gutom na kami ay pinasok na lang namin ang lugar.

Habang papasok ay umuusal ako na sana ay maganda naman ang aming maging "kapalaran" sa pagkain ng aming tanghalian, hehehe. Sariwa pa sa aming puso't isipan ang nangyari sa Kamayan sa Palaisdaan sa Tayabas na talaga namang isusumpa mo sa inis dahil sa pagkapangit-pangit na serbisyo at hindi kasarapang pagkain.

Pagpasok pa lang, hmmmm... parang iba ang dating dito, mas peaceful ang lugar at ang guwardya ay mabait at bumabati ng maayos sa mga dumadating... Hindi katagalan ay nakakuha na kami ng bakanteng lugar para doon ay kumain. Aba! mabilis ang serbisyo dito sa Bay! May lumapit agad sa amin na staff at agad na nilinis ang mga pinagkainan ng umalis sa pwesto namin. Siya na rin ang kumuha ng aming order :) (Impressive itong branch na ito ah)

Habang nag-aantay ng aming order ay nagpicture-picture muna ako, hehehe....



Mas malinis itong branch na ito...

Kahit madami ang customers ay mabilis ang kanilang serbisyo! Enough ang staff na nakaalalay sa bawat area, unlike dun sa isang branch na kulang na kulang sa manpower kaya sobrang nag-suffer ang kanilang customer service.
At dahil gutom na kami, pardon me for the pics, hindi ko na nakunan ng maayos ang mga dishes bago kami lumafang dahil talagang super kalam na ang aming mga sikmura...
Anyway, kinunan ko pa din, kahit mukhang dinaanan na ng bagyo ang aming mesa.
Crispy Pata
The best ito!!!

Chicken Barbecue
Juicy siya at very tasty!

Pinakbet Tagalog
Ito ang unang naubos sa mesa, kahit kids ay nakain ang pinakbet nila!
Masarap siya at highly recommended!
Ayan ang kuha ng mga taong gutom! hehehe....
Di ko nakuhanan ng picture ang inihaw na hito!
Malalaki ang hito nila dito at masarap.
Ayan si hubby, busog na busog at simot ang plato, hehehe
Pati green mango shake nya ay ubos!!!

Halata ba sa picture na nasiyahan kami dito sa
Kamayan sa Palaisdaan sa "Bay"?
Sana naman ay yung branch sa Tayabas ay manghingi ng tips sa branch nila sa "Bay" kung paano ba ang tinatawag na "excellent customer service"
Panalo sa "Bay" wala akong ma say!


3 comments:

  1. Wow that's good rizza at least nag enjoy kayo unlike yung na experience nyo sa isang branch. yeah and it really show na nabusog nga kayo! ok lang mga pics na kuha mo nagutom nga ako eh hehehehe :)

    ReplyDelete
  2. wow! Filipino talaga ang dating ng restaurant and presko ang dating. No need for A/C.

    ReplyDelete
  3. just want to ask. alam nyo pop ba pumunta dun from manila? commute lng po ako?

    ReplyDelete

Let me here from you ...