Sunday, April 4, 2010

Justine's Graduation

Iba pala ang feeling kapag ang anak mo ay ga-graduate na ng high school, I had butterflies in my stomach and feels the tension inside. Its been a stressful week for me and hubby while we were waiting for the announcement of this year's academic awardees. Siyempre kinakabahan kami ni hubby dahil alam namin ang lahat ng paghihirap at pagsisikap ng aming anak ay mabibigyan din ng kapalit na gantimpala.
Magmula first year high school ay nakita ko ang pagsusumikap ni Justine sa kanyang pag-aaral. Natutulog siya halos ng madaling araw na just to finish his projects and assignments. His quite meticulous when making those projects, ayaw nya ng basta-basta lang, kaya naman mataas ang kanyang nakukuhang grades kapag naipasa na niya ang mga ito.
He showed good leadership skills during those years kaya nga ng siya ay manalong President ng kanilang Student Government ay ipinakita niya ang lahat ng kanyang magagawa para mapaganda at mapaayos ang pangangasiwa ng nasabing student body.

I'm so proud of my son, siyempre pati si hubby, minsan bilang isang magulang, hindi ko nasasabi ang mga ganitong salita sa kanya ng harapan. Kaya nga minsan may mga misunderstanding kaming mag-mommy dahil sa mga bagay na kung minsan ay hindi namin mapagkasunduan.

This is our pic after the Baccalaureate mass, we were there at 1:30 pm, nagmamadali siyang pumunta ng school yun pala ay siya ang katulong ng mga teachers in-charge sa naturang mass, and according to them, yun na daw ang pinaka-organized na mass na nangyari sa school na iyon. Niloloko ko nga ang anak ko, kasi ikaw ay part na ng faculty ninyo, hehehe.


Si hubby naman ay very proud din siyempre, kita naman sa pic di ba? hehehe... Hubby is a man of few words pero pinaparamdam naman niya sa anak namin how he cares for him and how he support him in all his endeavor. Alam ni Justine how supportive his father is...

Receiving his diploma

I cry when I was staring and listening at my son while he gives his message to his fellow graduates and to the parents. He made us proud, really really proud!

He's a recipient of different awards from Pres. GMA, Senate Pres. Enrile, Bayani Fernando, Sen. Gerry Roxas etc., can't remember all of them :) Habang umaakyat kami sa stage, sobrang iba ang feeling, nakalutang yata ako sa ulap at hindi ko naririnig ang sinasabi ng emcee :) hehehe...

We love you Justine !!!
Congrats again anak for being the Class Salutatorian!!!

Wish namin ng daddy mo na ipagpatuloy mo ang pagsusumikap mo sa pag-aaral at ng makamit mo ang iyong mga pangarap...






1 comment:

Let me here from you ...