Kumakain ba kayo nito? Masarap ang luto na ito na natutunan ko pa sa aking lola, kahit ang mga kids ko ay kinakain ang gulay na ito. Bunga ng malunggay ang tawag ko dito hindi ko lang alam sa ibang lugar kung ano ang kanilang katawagan dito. Dati nakikita ko ang lola ko na matiyagang binabalatan ang bunga na ito, nung ako na ang magluluto kinausap ko ang suki kong tindera na Ilokana na kung pwede ay siya na ang magbalat nito para sa akin. To my surprise, pumayag siya at ako naman as super happy dahil hindi na ako magtatalop ng mga ito at baka magkasugat-sugat pa ang mga palad ko, hehehe.
Ano ang mga sangkap? Simple lang, Tatlong tali ng Bunga ng malunggay, kalahating kilong liempo ng baboy, 3 pirasong kamote, 1 basong patani, bawang, kamatis, sibuyas at pampalasang bagoong isda (Balayan mas masarap).
Paraan ng pagluluto:
Igisa lamang ang bawang, sibuyas at kamatis, kapag lanta na ang mga ito ay ilagay ang hiniwang liempo ng baboy, hayaang isangkutsa. Lagyan ng konting tubig pakuluan hanggang sa medyo malambot na ito. Ilagay na ang kamote, bunga ng malunggay at patani, hayaang kumulo, timplahan ng bagoong isda hanggang sa maluto (malambot na) maaarin dagdagan ng patis kung kulang sa alat.
Ayan! luto na ang gulay na bunga ng malunggay....
Masarap ito! Subukan ninyo, sabaw pa lang yummy na!
Paano nga pala kainin ito? Simple lang, yung pinakalaman sa loob ng gulay ang kailangang kainin, paano? Hihimudin mo ang loob nito hanggang sa lumabas ang malambot na parte ng gulay na ito, iyan ang paraan ng pagkain nito, kaya yung bunso ko ay himod ang tawag dito.
Paano nga pala kainin ito? Simple lang, yung pinakalaman sa loob ng gulay ang kailangang kainin, paano? Hihimudin mo ang loob nito hanggang sa lumabas ang malambot na parte ng gulay na ito, iyan ang paraan ng pagkain nito, kaya yung bunso ko ay himod ang tawag dito.
wow! ang sarap naman! ganyan pala ang hitsura ng bunga ng malunggay actually meron akong dinala na sanga ng puno ng malunggay sana tumubo naitanim ko na :) happy eating!!
ReplyDeleteMaruh! naku masarap talaga! sana nga ay mabuhay mo ang wonder manlunggay na yan :)
ReplyDeleteyeah wish ko nga eh! thanks rizza cross ur fingers for my malunggay tree :)
ReplyDelete