Friday, February 26, 2010

Inihaw

It's good na meron kaming kapit-bahay na nagtitinda ng BBQ tuwing hapon. Magmula ng magtinda siya ay madalas na ang pag-uulam namin ng mga inihaw. Mapa-bangus, tilapia, liempo at chicken wings basta nag-request ang mga bata ay madali na sa akin dahil ipinapaihaw ko na lamang ang mga ito at nagbabayad na lang ako ng ample amount money para sa kanyang effort. Okay na okay dahil hindi na ako bibili ng uling, hindi na ako magpapabaga at hindi na ako mag-aamoy usok, nakatipid ako sa tingin ko ng oras dahil nga pag ganyang hapon ay madami ng tao sa shop at tulong kami ni hubby sa pagbabantay dito.

Minsan nataong ako lang ang natira dito sa bahay, wala si hubby at si Yeye, si kuya naman at ang kanyang family ay luluwas ng araw na iyon at dito magdi-dinner, ako naman ay bantay sa shop, pero ayun hundi ako namroblema dahil inihaw na lang ang naisip kong ihanda para sa hapunan. Basta dinala ko kay Ate Annie ang mga ito at siya na ang nag-ihaw (pero timplado na kapag dinala ko sa kanya ha!) Kaya talagang pabor na pabor sa akin ang pagkakaroon ng kapit-bahay na nag-BBQ, hehehe....


Inihaw na talong

Inihaw na Bangus

Inihaw na Chicken Wings

Inihaw na liempo

Maganda siyang mag-ihaw in fairness...

Ayan kahit hindi ako nag-effort mag-ihaw, may makakain ang mga bisita ko, hehehe...

Eto nag-effort ako sa sawsawan na ito, nyahahaha!
Kayo? Nasubukan na ba ninyong magpa-ihaw?

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...