Wednesday, September 2, 2009

Stuffed Green Chili

Last Monday ay nagluto si yeye ng giniling na pork with quail eggs. Nagpatira ako ng konting portion para subukan ko itong recipe na nakita ko sa internet. Bumili ako ng 7 pieces na siling panigang at hinati ko sa gitna at tinanggal ang mga buto.

After na matanggal ang mga seeds ay nilagay ko na ang natimplahan ng ground pork at sinamahan ko ng cheese para mas sumarap.


Then, ibinalot ko sa lumpia wrapper

At saka ko prinito sa small pan.

Eto ang kinalabasan niya....para din siyang Lumpiang Shanghai na medyo spicy. Hindi kumain ang mga kids ko dahil naaanghangan sila. Pero yung pinsan kong si Bien na mahilig sa toma ay gustong-gusto....hehehe... mas ok yata itong recipe na ito sa mga tomador eh!


2 comments:

  1. masarap din pag ham and cheese lang...

    ReplyDelete
  2. Itry ko nga to. Madami akong left over siling panigang sa bahay. Thanks sa simple recipe nato. :)

    ReplyDelete

Let me here from you ...