Friday, September 11, 2009

Lunch Treat ni Kuya...

Last Monday, ay araw ng alis ni kuya papuntang Norway kaya lumuwas siya dito from Pangasinan. He treated us for lunch, nagpa take-out kami ng food sa BOY CHING WOO sa may Caloocan, hindi kami maka-alis dahil walang magbabantay dito sa shop, kaya ayun sa take-out kami nauwi. Anyway, we really enjoyed the food and in fairness, masarap siya ngayon, hehehe... the last time kasi na nag take-out kami dito ay hindi na ganito kasarap ang food nila siguro ay bumalik yung kanilang head cook or nakuha na nila yung "teknik" nung umalis na cook. Balita kasi dito sa Caloocan na na-pirate na ang kanilang cook ng Tong Yan sa may C3. Kaya ang restaurant na yon ay mayroon na ring Pancit Shanghai at Battered Chicken na kalasang-kalasa ng sa Boy Ching.

Here's what we ordered:

Mr. Woo Special Fried Rice
Their famous Pancit Shanghai

Battered Chicken
Camaron (with sweet sauce)

Chopsuey

Sisig
Sarap ng kain namin, medyo bumalik ang kumpiyansa namin sa Boy Ching. Ibig sabihin ay mauulit na muli ang pag-order namin sa kanila. Masayang natapos ang aming lunch na treat ni kuya sa amin.
Around 4:00 pm ay hinatid na namin si kuya sa Airport. Kahit na sandali lang ang kanyang contract ay siguradong mami-miss ko itong kapatid kong ito. Super bait ni kuya at super galante, hehehe....

Hay naku, kinunan ko si kuya ng pic nung nakatalikod na!
(He's wearing a brown jacket)
Kita-kits na lang sa November bro!

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...