Wednesday, September 30, 2009

FIC

It was my first time to try one of the flavors of FIC. Jeffrey was quite tired because we walked all the way from SM Annex to Trinoma to scout for a new scanner. His feet aches that's why I bought him a cup of FIC Caramel flavor. The taste was ok, and I think I won't buy anymore in that booth because the crews are not smiling. Malaki yata ng problema ang dalawang yon. They let the customer feel na parang wala silang care kung bibili ka o hindi.


I asked them to put it in a cup...maglalagkit si Jeff ( hihihi)

The flavors...

Ayan ang dalawang simangot...ang haba pa ng nguso nung girl oh!


Ang maganda lang na nangyari ay nasarapan si Jeff at hindi na nagreklamo na masakit na ang kaniyang mga paa.


KFC vs. Jollibee in Malabon

Hehehe, ang cute ng showdown ni Jollibee at Chuckie dito sa bayan namin sa Malabon. Thank you kay Jsarahina na siyang nag-upload ng video na ito sa youtube. Bagong bukas kasi ang KFC Malabon branch kaya ayan may kalaban na ang super lakas na branch ng Jollibee dito sa Bayan. Hindi ko mapigilang tumawa nung napanood ko ang video na ito and i want to share them with you guys!!!

Shakey's Revisited

This is a late post. Sorry guys, I was not able to post new entries in the last few days because I was super busy in making reviewer (exam type) for my little Jeffrey. They suppose to have an exam last Monday but due to the devastating effects of typhoon Ondoy, classes was suspended for one week. Thank God because we're not affected by the flood and I was able to take a break in making reviewers for Jeffrey and he too will have more time to play before starting our session on Saturday for a more serious review (hehehe).
While looking for a good and affordable scanner last week, we've decided to take a break and eat our merienda at Shakey's. I requested it, because I was craving for my super fave Manager's Choice, and so my two boys granted my plea. Jeffrey is not a picky eater, he usually let us decide as to what and where we're going to eat.
We ordered the Deal 1 - P 570.00 which is ideal for 3 persons
(a really great deal!)

A Large size Manager's Choice

Chicken n' Chips
(Actually it's 3 pcs. but Jeffrey was hungry already and he grab
one of the thigh immediately.)

A pitcher of House Blend Iced Tea
Perfect!!!

I want to go back and eat more!!!!




Tuesday, September 22, 2009

New Scanner

Hay naku, kung pagagastusin ka nga naman talaga. Bigla na lang ayaw gumana ang scanner namin, nasira na yung 3 in 1 ng HP, kaya ayan bumili na lang kami uli ng flatbed scanner. Ayaw ng ipagawa ni hubby dahil nung nag-inquire siya ng repair eh para ka na ring bumili ng bago. Kaya ayun, punta kami sa SM Annex at napabili sa Octagon. Mas mura pala sa Octagon kaysa sa Silicon Valley, imagine itong scanner na ito ay 3,495 lang sa Octagon samantalang sa Silicon Valley ay 3,999.00 ang presyo. Juice ko! magkatabing-magkatabi eh ang layo ng agwat ng presyo!

eto namang si Jeffrey ayaw magpa-picture!
Hindi ko mahuli sa cam!



Crispy Tinik

Ang tagal tagal ko ng hindi nakakakain ng Crispy na tinik na ito. Kaya super happy ako nung may nakita ako sa SM Supermarket. Dati nung unang kita ko nito ay parang creepy ang dating sa akin. Imagine, kakainin mo ang tinik at aagawan mo pa si Muning ng kapitbahay ninyo, hehehe. Yung unang nag-alok sa amin nito ay isang kakilala na galing ng Cebu. Masarap daw ito ay hindi kami magsisisi. So parang sapilitan pa ang pagbili namin noon, juice ko day! nung natikman na namin ay kami na yata ang nakaubos ng lahat ng dala nilang Crispy Tinik from Cebu. Matagal na iyon, dati nakakabili ako sa Binondo nito, pero hindi na nasundan. Nung Sunday habang bumibili ako ng Sinaing na Tulingan ay namataan ito ng aking anak na si Justine at nagpabili nga. Ayun at dalawang araw kong niluto ang isang pack para sa almusal.

eto ang itsura niya kapag binili.


Iprito lang sa konting mantika at madali na siyang maluto. Pumula lang siya ay ok na.

Ayan... super crispy na tinik. Sarap!!!


Nilagang Baka

Sarap na sarap talaga ako sa nilagang baka, lalo na kung ito ay may patatas at madaming repolyo. Solve na solve ang kain ko kapag mainit na mainit ang sabaw nito at ang parte ng baka ay kamto na may buto. Ito ay niluto ni Yeye, ang aming tita na masarap magluto.
Ikaw? Higop ka na rin ng mainit na sabaw....

Wai Ying

Last Friday night ay sinundo namin si Justine sa Star City dahil nanood sila ng play sa Aliw Theater with free tickets courtesy of Mitch Cajayon at kasama na doon ang ride all you can tickets sa Star City. Around 11:00 pm ay lumabas na si Justine with two of his classmates. Eh since ginutom kami ni hubby ay naisipan naming dumaan sa Wai Ying in Benavides St., Binondo. Nag-treat si hubby ng Dimsun with our usual favorites in Wai-Ying.
Their Siomai for me is the best!

Still, they are far behind the taste of the Chicken Feet of Causeway....

We ordered 5 Siomai, 3 Chicken Feet, Radish Cake, and Beef Chong Fan


Hubby likes their Radish Cake

Beef Chong Fan is a favorite too!

Justine with Rica and Aaron




Rocky Almond Bar

Si Justine inalok ko kung anong gusto niyang dessert sa superbowl, wala daw siyang gusto. Yun pala ay balak akong ayaing mag dessert sa Five Cows. He loves their ice cream cakes specially the Rocky Almond Bar and the Cheesecake. The last time we ate here, I wasn't able to take pics dahil nakalimutan ko ang aking cam. Kaya happy ako at nadala ko talaga ito nung Sunday.

Around 2:00 pm, wala yatang gaanong tao ngayon sa Five Cows?


Rocky Almond Bar
Chocolate and vanilla ice cream, caramel and chocolate sauces, praline, chopped almonds over an oreo crust and topped with a generous swirl of extra caramel sauce.

We shared this ice cream cake because it's quite big.




Lunch ni Justine After ACET

After his ACET, we headed to Trinoma to eat our lunch last Sunday. I told him that I wanted to eat at Conti's but he refused, he wanted to eat something heavier. I was quite full that time because of the nice mom from Notre who keeps on buying me snacks while waiting for our sons. So we ended up eating at Super Bowl, he wanted the Combination Platter or the BBQ Combi Platter but those two were pending at that time because of so many customers. We just ordered a Yang Chow Fried Rice and the Super Bowl Fried Chicken.

Free chicharon!


Justine's fave Yang Chow

He loves chicken...kahit everyday chicken, ok sa kanya!




Sunday, September 20, 2009

ACET

Wow! It's the 2nd day of the Ateneo College Entrance Test (ACET). Ang aga kong gumising, nag-alarm ako ng 4:00 am para maipagluto ng medyo heavy breakfast si Justine. Umalis kami ng bahay ng 5:30 am, pero pagdating ng Balintawak ay super traffic na dahil may nagbanggaang bus at truck kaya lumiko na lang kami ng A. Bonifacio at nag Araneta Ave. then Quezon Ave. na lang kami para hindi ma-late sa kanyang morning session test. Juice ko day! ang hirap ng kinuhang kurso nitong anak ko.. BS Chemistry w/ Materials Science and Engineering (BS CH-MSE) kasama pala itong course na ito sa Honors Programs ng Ateneo wherein kailangan ay nasa Top 15% ka ng ACET examinees para makapasok sa first and 2nd choice nya, ang 2nd choice niya ay BS Chemistry.
Around 7:15 ay pinapila na ang mga examinees papunta sa kanilang designated rooms. Sa high school building na-assign si Justine.


Dito ako tumambay sa high school cafeteria mula 7:30 am hanggang 12:30...kakainip mag-antay, buti na lang may nakilala akong 3 mommies na taga-Notre Dame kaya may ka-chikahan ako don. At dahil dito ako tumambay ay nabusog ako sa kakaantay kay Justine... galante yung isang mommy from Notre Dame, nanlilibre!!! hehehe...


Around 10:30 ay nagpaalam ako sa mga chikadorang mommies dahil nag-attend ako ng mass sa Chuch of the Gesu. I prayed that sana ay makapasa ang anak ko sa lahat ng inexaman niya at sana ay mapasa niya yung scholarship application niya sa Ateneo.


Hayyy, salamat naman at natapos na ang series of exams ng mga college entrance tests niya. UP, UST, and Ateneo, ayaw niya kumuha sa La Salle ewan ko ba kung bakit eh yun ang pinaka-accessible na school sa apat. LRT lang pagbaba ng Vito Cruz school na, ayaw ba naman! Haayyy... e di sige ayaw kung ayaw! Hehehe...

Ngayon, ang gagawin na lang namin ni hubby ay maghintay ng January 2010 for the results ng kanyang mga entrance test.






Saturday, September 19, 2009

Morcon

Kaninang Lunch ay ito ang aming ulam. Naku super favorite ko itong Morcon kaya kahapon nung nasa palengke ako narinig ko yung isang kakilala na magmo-morcon daw siya ay nagpasabay na akong magpaluto. Grabe, masarap siya talaga! Sulit yung P 400.00 ko for 2 pcs.kasi hindi na ako nagpakahirap magluto at isa pa, hindi ko ito alam lutuin, hehehe.... Hindi ko na na-picturan yung hiniwang morcon kasi ginera na naming mag-iina, hahaha!

Hmmm....sarap ng Morcon ni Mommy Yo! (tawag ko sa nagluto)

Puto Bumbong

Malamig na ang simoy ng hangin at ramdam ko na ang nalalapit na kapaskuhan. Mas lalong nagpasabik sa akin ang pagdating ng pasko dahil sa muling pagtitinda ng suki naming tindahan ng puto bumbong. Masarap ang kanilang puto bumbong pero sa bibingka ay mas gusto ko ang tinda ni Aling Vicky, yung original na nagtitinda dito sa may Tugatog. Kaso medyo late na sila mag-umpisa mga bandang October na. Kaya ayan at I settle myself sa puto bumbong ng Clarence.

Puto Bumbong for only P 20.00 ( 3 pcs.)

Masarap!!!
Clarence Bibingka & Puto Bumbong
M.H. del Pilar cor. Paz St.,
Tugatog Malabon

Cake rolls

Last Sunday ay nagpunta kami sa Citi Square para bumili ng cake for Grandparents Day. Cutie yung round cake na specially made for grannies kaso yung flavor niya ay caramel, eh ayaw ng dalawang anak ko ang caramel, kaya sabi ko, sige mamili na lang kayo ng gusto nyo. Aba! yung bunso ang gusto Chocolate Cake at yung kuya naman ay Custard cake. Magkaiba pa! Hay pag gusto ka nga namang kulitin ng mga anak mo ay wala kang magagawa kung minsan kung hindi pagbigyan sila.
Kaya heto, para hindi mag-away sa flavor ng cake ay tig half rolls na lang ang binili namin nung gusto nilang flavor!

Sorry for the blurred pic....


eto ang gusto ni Justine....Custard Roll

eto naman kay Jeff... Tripple Chocolate Roll
Hayyy... ang hirap magkasama minsan ng dalawang batang ito... nakakapraning!!!


Thursday, September 17, 2009

Champorado at Tuyo

Nung isang araw ay super aga akong nagising as in 3:00 am pa lang ay hindi na ako nakatulog. Naisipan ko na lang magluto ng Champorado, ayos kasi ay aabot itong almusal ng mga bata bago pumasok sa school. Ang hirap kayang paputukin maigi ng malagkit... kung gigising ako ng 4:30 am ay siguradong nakaalis na sila bago ko maluto itong champoradong ito. Anyway, mabuti naman at umabot sa kanila at himalang kumain dito ng almusal ang anak kong panganay (madalas ay nagbabaon siya ng almusal).

gusto ko sa champorado ko ay maraming evaporated milk na Alaska....yummy...

Nagpirito na rin ako ng tuyo para may ka-partner ang aming champorado.



Hmmm... sarap ng umagang ganito ang almusal...


Tuesday, September 15, 2009

My latest craze...

Eto, eto ang kinakabaliwan kong dessert after dinner. Tinitinda ito sa malapit dito sa amin at talaga namang click na click dahil it's very cheap at super yummy. Mango Macapuno and Ube Macapuno ang flavors nito. For only P 15.00 ay tinalo pa ang lasa ng Ice crazed ng Jollibee. Super creamy siya at may Nestle cream pang kasama sa ingredients nito... Panalo talaga!!!

Mango, Macapuno, Nestle cream, crushed ice, topped with again mango, macapuno milk and leche flan.

Wow! Sarap talaga....added calories na naman ito for me...

another look... (i think this is a 10 oz cup)


This is the Ube Macapuno flavor... another sinful indulgence ko na naman...

Ube, Macapuno, Nestle Cream, crushed ice, topped with milk,
grated cheese, macapuno and ube.




Monday, September 14, 2009

Yes!

Yes! He made it to the Top 10!
Mukhang sinusundan ang yapak ng kanyang kuya Justine. Tuwang-tuwa ako dahil alam kong mahirap mapasama sa Top 10 kapag nasa Cream Section. Pero kinaya ni Jeff ... Hindi ako nagsisisi to close down my fruit shake biz to concentrate on him. Ang gumising ng 4:00 am para ipaghanda siya ng almusal ay isa sa sakripisyo ko, hehehe, ayaw niya kasi ng bread sa umaga, gusto niya laging heavy breakfast. Tapos tulog ako ng 11:00 pm dahil ako ang nagsasara ng shop. Haayyy.... balewala ang mga ito kung ganito naman ang performance ni bunso. Si Jeffrey mahilig maglaro ng DOTA at Audition dito sa shop, pero may oras siya at kayang kontrolin ang kanyang sarili sa paglalaro. Pag-uwi nya galing school ng 12:00 ay kakain na kami ng sabay ng lunch with daddy at pagdating ng 1:30 pm aakyat na yan sa kwarto at alam niyang mag-aaral na kami, yun ang kanyang everyday routine at study habit, pagdating ng 3:00 pm, sasabihin niya "Merienda na mommy" hehehe...hudyat na yon na tapos na ang aral namin!
Nung kinder 2 siya ay hindi siya nakakatapos magsulat kaya nakiki-kopya pa ako ng ibang notes sa ibang mommy. Ngayong nag-grade 1 na siya ay everyday tapos ang notes niya at siya na ang kinokopyahan ngayon, hehehe... tanong ko sa kanya "Anak buti at nakakatapos ka ng pagsusulat?" aba ang sagot ba naman "Mommy kasi magmula ng maglaro ako ng Audition bumilis ako na-practice yata yung mga fingers ko kaya ayun, tapos ko notes namin sa school" hehehe....nakakatulong pala iyon?????

We're very proud of you Anak!!!

Sunday, September 13, 2009

First Quarter Grades ni Jeff

I feel proud and happy!


This morning I was in La Consolacion to get the report card of my son Jeffrey. A little bit nervous because I don't know what will be the outcome of our hardships in the past few months. I'm very happy to see that he got high grades in all his subjects. All our efforts were paid off and we're very proud of him. The adviser explained that co-curricular activities are all line 0f 8 to all students because the days (Friday) of the co-curricular were affected by the suspension of classes and holidays in the past weeks. Tomorrow will be the Convocation of Honors and i'm keeping my fingers cross if he'll be one of the honors this first quarter. He's in the cream section so I don't know what are the grades of some of his classmates, maybe their grades are high too. But I told my son that even he'll not be included in the honors, it's ok for us because he did his best in the first quarter.

Tomorrow is Justine's turn... if it will not rain (hopefully), the top students for the first grading will be announce in their school ground.

Kare-Kare

Kaninang tanghalian ay ito ang aming ulam. Kare-Kare dahil bukod sa araw ngayon ng Linggo ay selebrasyon rin ng araw ng mga lolo at lola. Hindi ko alam kung bakit paboritong-paboritong ulam ito ng aking dalawang anak. Basta ito ang ulam ay talaga namang napapaaga ang aming tanghalian. Simple lamang ang mga sangkap ng luto ni Yeye na Kare-kare, twalya, mansanilya (paborito kong parte) at paa ng baka na nagpapalinamnam ng sabaw nito. Sa gulay naman ay sitaw, talong at petsay lang inilagay ko, hindi na ako bumili ng puso ng saging dahil hindi naman nila kinakain. 1/4 kilo ng giniling na mani, 1 guhit na giniling na bigas, at asuete. Mabuti na lamang at naimbento ang "pressure cooker" para mapalambot ang mga lamang loob at paa ng baka na sangkap ng kare-kare.


Ito ay para sa akin lamang, hindi ako nakasabay sa kanila sa pagkain sapagkat ako'y nagbabantay dito sa aming kompyuter.


Konti lang ako kung gumamit ng bagoong.
Madami akong nakakaing bagoong kung luto ito ng aking lola.




Happy Grandparents Day!

Cute cake from red Ribbon!
(I didn't bought it..... because my sons don't like caramel flavor)

Happy Grandparents Day to all the grandmas and grandpas in the world! It's nice to celebrate grandparents day because we were given a chance to give thanks for all the love and care that our parents gives to our children. I want to take this opportunity to thank "Yeye" or "Ma" to my children because she's always there for us in good times and bad times. She's our mentor in this chaotic world, she's always there to guide us, especially when we were a young couple then. Yeye is a very loving, compassionate and a very religious person. She takes care of "us" not only my children. This day is for her!



I took this pic a while ago... Yeye with Jeffrey


This is my sexy slim mom ( i can't find a bigger pic....sorry )


Eventhough my mom is not here, I know and I feel her love for my children. Whenever she would call, she always asked about her two grandsons if they needed something especially in school. I remember how worried she was when i have yet receive the Graphic Calculator that she sent for Justine (quite expensive calcu). I can say that I'm lucky because I have her as my mom. She's very simple, a true friend at higit sa lahat hindi mayabang....napakasimple ng mommy kong ito....kaya nga idol ko siya at gusto ko ring matawag na simplemom....hehehe.


Happy Grandparents Day!!!