Monday, August 3, 2009

Pasalubong ni Mister

Last week ay super busy si hubby sa pag-aasikaso at pagsama kay Justine sa Refresher Course ni Justine sa LSC for the UPCAT. Kaya ako naman ay naiiwan lagi dito sa shop para magbantay. Pero ang nakakatuwa ay he makes it a point na may dala naman siyang something for me.

Just like this one, nag-uwi siya ng Rodic's Tapsilog, it's a very popular eatery in UP Diliman. Masarap yung Tapsilog ng Rodics, malasa yung beef kasi shredded siya. Basta yata naging estudyante ka ng UP ay hindi pwedeng hindi mo natikman ang famous Rodic's Tapsilog.


Masarap!
Last thursday naman ay nasa Binondo siya para bumili ng aming supplies dito sa shop. Pinasalubungan naman niya ako ng Battered Chicken ng Sincerity. Dinadayo ang restaurant na ito ang kanilang Battered Chicken... Mas nasasarapan ako sa kanya kaysa sa Battered Chicken ng Boy Ching Woo Restaurant dito sa amin na naging super oily na unlike before.

Battered Chicken (1/2 order for P 150.00)
Sarap ulit-ulitin!!!

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...