Thursday, August 27, 2009

Everybody's Cafe - Pampanga

Since nandoon na kami sa Pampanga ay dinayo na namin ang isa sa sikat na restaurant dito. Ang Everybody's Cafe ayon sa ibang mga food bloggers ay isa sa the best na restaurant if you're looking for an authentic Kapampangan cuisine. They are known in serving some exotic dishes that's amazingly good according to them.

Sobrang excited kami to go here, papunta kami ay may detour dahil ginagawa ang road going to Everybody's Cafe, good thing is may ready road signage ang Everybody's Cafe para hindi maligaw ang mga customers nila or ang katulad naming first time silang dadayuhin. Pagdating namin doon ay eto ang inabutan namin.. They have this tarpaulin signage na "Business As Usual" siguro nga ay dahil sa ginagawa ang road kaya naglagay sila nito. Balak naming doon na kumain ng dinner dahil around 6:00 pm na. Pagpasok namin ay nagulat kami dahil wala ni isa mang customer kaming inabutan... I wonder kung gaano ba kasarap ang pagkain dito dahil halos lahat ng blog about this place ay positive ang feedback, sorry guys...pero ako lang yata ang magba-blog ng negative about this restaurant. I don't want to fool people who are excitedly going to the north just to taste their specialty. Since tinabangan na kami dahil wala kaming nakikitang kumakain ay nagpa take-out na lang kami. Naisip ko, kung talagang ok ang food dito ay susuungin nila ang hirap ng alternate route para lang makapunta dito, katulad ng ginawa namin, pero we were really disappointed with what we had experience.


Eto ang kanilang address, para sa mga gustong dumayo at pumunta...


We settled only for 2 kinds of menu...

the Fried Batute (Fried Stuffed Frog)
P 70.00 per piece!

and their version of ....

Morcon P 300.00 per piece
(it's actually like an embutido) not the morcon we're expecting it to be.

Kapag sliced na siya....

These are the selections of food that we're able to take pics.... Sorry guys pero IMHO, hindi po talaga kami ginanahan sa mga nakita namin, we just ordered 2 kinds the Fried Batute and the Morcon dahil yun lang ang sa tingin namin ang bago... pardon me for the pics dahil medyo hindi maganda ang kuha.
Exotic Camaru..... I think pag umorder ka nito ay saka nila ipa-fry para maging crunchy siya.

These are the fried batute

Eto ang Morcon, bago nila i-serve with their sauce, this one is ok, pero parang hindi worth yung P 300.00 per piece na presyo niya!

Dinuguan

Mechado? Caldereta? sorry i'm not so sure... pero ganun pa man parang tira na siya

At dahil 6:00 pm na ng gabi ayun ang mga butiki na naghahabulan sa kanilang wall...

Lesson learned: Hindi lahat ng may positive feedback coming from different food bloggers ay kailangan nating puntahan at tikman....hehehe, pero anyway at least yung takam namin ni topher dito sa Everybody's Cafe (na hindi for everybody ang presyo) ay natapos na. Hindi lang nga maganda ang naging experience namin....
Pero we'll still give this restaurant a try (second chance) kapag nadalaw kami sa San Fernando at kapag gawa na ang road papunta sa kanila. Baka kaya ganon ay malaki ang effect ng road construction sa business operation nila kaya hindi mukhang bago ang mga food na inabutan namin.


7 comments:

  1. Thank you for finding time to come to our restaurant, Everybody's Cafe. I hope I can meet you next time you come around.

    ReplyDelete
  2. The bridges are now passable and it is easier to go to our place via NLEX San Simon exit. Our peak hour is lunch. Thank you again.

    ReplyDelete
  3. Hi po..this is Jacqui travel Agent from Cebu..My Group Tour kasi ako this coming Octobet were 35 - 40 persons po..Balak ko kasi yong dinner namin is jan sa Everybody's Cafe Angeles...nka try na aq dun sa isang branch nyo masarap kasi food dun..But na jan aq Angeles kasi papunta kami Baguio...Ano kaya best foods na ma recommend nyo for my Group sana yong mura lang kahit mga 200 - 250 per person but complete na meal...Thnkz Much ds is my mobile number 09098382293 landline is 032 4129155 and my company name is Travelite Travel & Tour Co. Cebu

    ReplyDelete
  4. The food and the customer service were both excellent! The amenities were very good also even though the building would give you the creeps, maybe because it seemed like it was very old and I am such a scaredy-cat. But still, it's part of the charm. I think what we paid for, P2,000++ for 6 persons (6 dishes), was reasonable considering not just the food but the over-all dining experience.

    ReplyDelete
  5. Hi Shayne! Dakal salamat sa yo. Thank you for your effort too for I know you went out of your way just to go and try our food. Yes, the building is already old but we do not plan to renovate but we do plan to restore the place and do some improvements to our kitchen and put more aircons in the dining area. Everybody's Cafe is now part of the heritage of Pampanga and I am always flattered when they said it is a culinary destination. Thank you again and hope I can meet you on your next visit.

    ReplyDelete
  6. Hi Miss Pette, sorry po dahil ngayon ko lang nabasa ang comment nyo :( gaya po ng nasabi ko dito sa blog, hindi lang po maganda ang experience namin nung time na nagpunta kami. But a good friend told me na talagang ok po sa restaurant nyo. Gaya po ng sinabi ko sa last part ng post ko ay muli po kaming bibisita sa inyo. I hope sa susunod na visit namin ay maging maganda na po ang aming dining experience.

    ReplyDelete

Let me here from you ...