Saturday, August 1, 2009

Salamat Tita Cory

Last night, around 11:00 pm, biglang pumasok sa isip ko si Tita Cory... sabi ko, paano kaya kung madaling araw mawala si Tita Cory? Hindi agad malalaman ng mga tao? Those were the questions in my mind bago ako matulog. Kinilabutan ako paggising ko around 6:00 am at ibinabalita sa T.V. na wala na si Tita Cory at exactly 3:18 am siya pumanaw. Malungkot ang buong bayan sa pagkawala ni Tita Cory, isa ako sa parang nawalan ng Nanay dahil sa kanyang pagkawala. Iba ang ibinigay na inspirasyon ni Tita Cory sa mga Filipino. Sabi nga ni Fr. Orbos, walang sinuman ang binigyan ng pagkakataon ng maipagdasal ng taumbayan sa matagal ng panahon kundi si Tita Cory lamang. Prayers reaches its peak yesterday at inilunsad ang kanya-kanyang healing mass sa mga simbahan dito sa ating bansa. Dininig naman ng Diyos ang mga panalangin dahil pumanaw na si Tita Cory at hindi na pinagtagal ang kanyang paghihirap. Nakikiramay ako sa pamilya at mga malalapit na kaibigan ng Dating Pangulong Corazon Aquino.


Tita Cory.... Maraming salamat po!

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...