Saturday, August 29, 2009

Bonding moment with Jeffrey

Yesterday ay walang pasok si Jeff dahil Feast Day of St. Augustine kaya mahaba-haba ang kanyang bakasyon. Nagpunta kami sa SM Megamall dahil first day ng SM Homeworld 3-Day Sale sa Megatrade Hall 1 & 2. Gusto ko kasing maghanap-hanap naman ng bagong dishes na mura lang....hehehe.
Ayun, dahil 11:30 am na kami nakarating sa Megamall ay una naming ginawa ay kumain! At dahil bata ang kasama ko, ay nagyaya siyang kumain sa KFC... favorite niya ang chicken at gravy ng KFC. Nagtanong pa nga siya sa akin "Mommy bakit mas masarap ang gravy dito kaysa sa Jollibee?" sabi ko, "kasi anak mas madaming cholesterol ang gravy nila kaysa sa iba" hehehe... the truth is sabi ng isang friend ko na nagwork dito before, kaya masarap ang gravy nila dahil iniipon yung mga bits ng chicken na pinag-prituhan ng manok at isinasama sa sangkap sa paggawa ng gravy unlike others na mga mix lang, lagyan lang ng hot water gravy na. Yun ang pagkakaiba.

At super request siya ng drink na Mountain Dew!

3 pcs. na wings ang inorder ko, dahil favorite namin ang parte na ito ng chicken.

Tapos ay we proceeded na sa aking pakay na pumunta sa Megatrade Hall. Ayun at super dami na ng tao na hindi magkanda-ugaga sa pagbili ng mga gamit. Ang pakay ko lang ang talagang sinadya ko at eto yun!
Ang mga dishes dito ay nagkakahalaga lang ng P10.00 up to mga P 130.00 each na yung narinig kong pinakamahal na price. Cute but inexpensive ang mga dishes nila. (I'll take pics sa mga nabili ko and post it later)

After ng aming pamimili ng mga mura....hehehe, lipat kami sa kabilang Trade Hall at may ginaganap ding Agri Trade Fair.... pasok kami ni Jeff at nag-ikot-ikot lang. Ang gaganda ng mga fruits at ng mga products...parang OTOP (One Town One Product) din ang dating nito.


Ang ikinatuwa ko ng husto ay yung exhibit ng Cocoa Industries kasi may mga malalaki silang bar ng chocolates as props...hehehe, si Jeffrey ay gustong ipabili yung malaking Toblerone bar...


Ang last stop namin ay ang Toy Kingdom, i'm looking for some Spongebob items na pwede kong magamit sa birthday niya sa January 2010. Hahaha! ang tagal pa pero inuunti-unti ko na ang pagbili, mahal kasi at mabigat sa bulsa kung isang bilihan lang lahat ang gagawin ko. Anyway may mga nabili na ako yesterday na pwedeng gamitin as party favors, giveaways and prizes for the games.

At dahil matagal na akong di nakapunta sa Toy Kingdom ay gandang-ganda ako sa loob niya ngayon, kaya si Jeffrey ay pilit kong pinag-pose sa kanilang cute na Jungle Theme.


Nyek, takot mahalikan ng deer, akala mo naman tunay yan Jeffrey!

At dito nagtatapos ang aming bonding adventure ni Jeffrey. Napagod siya ng husto dahil tinulungan niya akong magbuhat ng mga binili namin. Hehehe.... looking forward for this moment again but with hubby and kuya Justine naman.

Umagang Kay Ganda

I'm not talking about the morning show, hehehe... Super natuwa lang ako kay Jeffrey because ang ganda ng kanyang gising nung isang araw kaya I can't help but to take pic sa kanyang momentum....imagine alas 5:30 ng umaga ko ito kinunan, naliligo na siya para maagang makapasok sa school at ayun siya daw ay isang elf.

Haaayyy. . . sana ay laging ganito ang mood ni bunso kapag gigisingin ko at paliliguan every morning... Wish Ko Lang..........

Thursday, August 27, 2009

Nathaniel's Famous Buko Pandan

Before going back to Manila, we decided to buy some pasalubong from the famous Nathaniel's of San Fernando. My kids were craving for their delicious Buko Pandan Salad so hubby and I could do nothing but to obey their sweet plea. On my previous post about Nathaniel's I was not able to capture on cam their store because we just bought that in one of their Manila's "bodega" hehehe literally bodega talaga kasi naman it really looks like one. Anyway here are the pics of their original store in Pampanga.

Cars were lining up outside, just to buy some pasalubong...

Inside the store.... see...pinipilahan talaga!



They do have dining area also but I guess hindi gaanong click ito because lahat naman ng dumadaan dito ay sobrang madalian lang dahil nga pasalubong na lang ang kailangan ng mga tao, mga 7:00 pm ito pero wala ni isa mang kumakain.

Ang haba ng pila! Look for me!!!

Wow! tumaas na ang price ng kanilang Buko Pandan Salad
P 400.00 pesos na po siya ngayon...

But still, super delicious and very creamy pa rin niya...

Jeffrey discovered this one... pinilit akong bumili ng Yema balls...

Ayan .... masarap siya in fairness ....

This ends our half day food trip in Pampanga. My hubby is excited to go back and look for more food establishments that caters good Kapampangan cuisines. We heard that Party Place is a good choice because they offer buffet at a very affordable price, also the Sansrival of Sta. Rita, the Brazo of Aurely's, Mely's Sisig in Angeles etc., I guess we'll be having a second round of food trip in Pampanga in the coming months...


Everybody's Cafe - Pampanga

Since nandoon na kami sa Pampanga ay dinayo na namin ang isa sa sikat na restaurant dito. Ang Everybody's Cafe ayon sa ibang mga food bloggers ay isa sa the best na restaurant if you're looking for an authentic Kapampangan cuisine. They are known in serving some exotic dishes that's amazingly good according to them.

Sobrang excited kami to go here, papunta kami ay may detour dahil ginagawa ang road going to Everybody's Cafe, good thing is may ready road signage ang Everybody's Cafe para hindi maligaw ang mga customers nila or ang katulad naming first time silang dadayuhin. Pagdating namin doon ay eto ang inabutan namin.. They have this tarpaulin signage na "Business As Usual" siguro nga ay dahil sa ginagawa ang road kaya naglagay sila nito. Balak naming doon na kumain ng dinner dahil around 6:00 pm na. Pagpasok namin ay nagulat kami dahil wala ni isa mang customer kaming inabutan... I wonder kung gaano ba kasarap ang pagkain dito dahil halos lahat ng blog about this place ay positive ang feedback, sorry guys...pero ako lang yata ang magba-blog ng negative about this restaurant. I don't want to fool people who are excitedly going to the north just to taste their specialty. Since tinabangan na kami dahil wala kaming nakikitang kumakain ay nagpa take-out na lang kami. Naisip ko, kung talagang ok ang food dito ay susuungin nila ang hirap ng alternate route para lang makapunta dito, katulad ng ginawa namin, pero we were really disappointed with what we had experience.


Eto ang kanilang address, para sa mga gustong dumayo at pumunta...


We settled only for 2 kinds of menu...

the Fried Batute (Fried Stuffed Frog)
P 70.00 per piece!

and their version of ....

Morcon P 300.00 per piece
(it's actually like an embutido) not the morcon we're expecting it to be.

Kapag sliced na siya....

These are the selections of food that we're able to take pics.... Sorry guys pero IMHO, hindi po talaga kami ginanahan sa mga nakita namin, we just ordered 2 kinds the Fried Batute and the Morcon dahil yun lang ang sa tingin namin ang bago... pardon me for the pics dahil medyo hindi maganda ang kuha.
Exotic Camaru..... I think pag umorder ka nito ay saka nila ipa-fry para maging crunchy siya.

These are the fried batute

Eto ang Morcon, bago nila i-serve with their sauce, this one is ok, pero parang hindi worth yung P 300.00 per piece na presyo niya!

Dinuguan

Mechado? Caldereta? sorry i'm not so sure... pero ganun pa man parang tira na siya

At dahil 6:00 pm na ng gabi ayun ang mga butiki na naghahabulan sa kanilang wall...

Lesson learned: Hindi lahat ng may positive feedback coming from different food bloggers ay kailangan nating puntahan at tikman....hehehe, pero anyway at least yung takam namin ni topher dito sa Everybody's Cafe (na hindi for everybody ang presyo) ay natapos na. Hindi lang nga maganda ang naging experience namin....
Pero we'll still give this restaurant a try (second chance) kapag nadalaw kami sa San Fernando at kapag gawa na ang road papunta sa kanila. Baka kaya ganon ay malaki ang effect ng road construction sa business operation nila kaya hindi mukhang bago ang mga food na inabutan namin.


Tuesday, August 25, 2009

Susie's Cuisine - San Fernando Pampanga

When we had our merienda in my bff's house, she forgot to tell her husband that i'm dying to taste Susie's famous Tibok-Tibok (kaya ang nabili ni Aries ay Palabok & Puto) but anyway, to die for din naman ang lasa ng kanilang palabok at puto kaya the best pa din ang lafang namin (hahaha)... Since, nandon na kami sa vicinity ng San Fernando ay hinanap na namin ang Susie's Cuisine na famous for Pampango Kakanin, thanks to Aries at itinuro niya sa amin ang way how to get there.
Eto na!

Super sarap nga naman pala nitong Tibok-Tibok na ito with latik on top, it is made of carabao's milk kaya creamy siya pero good thing is that hindi naman siya super tamis...parang gelatin ang consistency niya.... I want more!!!

Dami nilang customers nung dumating kami, punong-puno ang may kaliitan nilang tindahan...

I was not able to take pics sa mga kakanin, kasi si Justine ang may hawak ng camera, eto ang mga pinagkukunan niya!

Different delicacies can be purchase also at Susie's

I did not buy a choco cake anymore, nakakaumay na eh... maybe we'll try it next time.

They do have Siomai too!

I was wondering kung gaano kasarap ang baked macaroni nila, ubos agad!

These are the branches of Susie's.... magsalamin na lang ang malalabo ang mata!



San Guillermo Parish - Bacolor Pampanga

The Old San Guillermo Parish Church

After leaving my BFF's house in Mexico, Pampanga, we headed to Bacolor to visit its now famous San Guillermo Parish Church, not only because it is known to be the half buried church in Pampanga but because of the Teleseryeng "May Bukas Pa" topbilled by the smart little boy Zaijan Jaranilla. I already saw this Church last April when I joined our Parish Church 2nd Pilgrimage but my hubby and our two kids wanted to see it for themselves that's why we had a sidetrip in Bacolor.
As you can see, the church main door was the old window of the Old San Guillermo Parish Church, before it was submerged into Lahar in 1995.

Old pics from the little museum.

My three boys couldn't help but admire the beauty of the Church. They even requested for a picture taking in front of the parish.

Jeffrey was looking for Santino, hehehe.... but it's not their taping day when we got there.

Saturday, August 22, 2009

Visiting my Bestfriend in Pampanga

Yesterday, we had the chance to visit my BFF Beth in Mexico Pampanga. After many failed attempts to go to her place, it was only yesterday that we find time to actually pay her a visit. She's four months pregnant with her 4th child and having a hard time in her pregnancy and was advised by her OB for a complete bed rest. I texted her yesterday at around 11:00 am and told her that we're gonna come after lunch. Sobrang natuwa ako at may time si hubby and free ang mga kids because holiday nga kaya go kami sa Pampanga, hehehe... Good thing is that she's feeling quite good that afternoon at pwede ko siyang maka-tsikahan at medyo kaya niyang bumangon...

Beth - my sexy preggy BFF

Topher, Me, Beth and Aries
(mukhang ako ang 4 months preggy ah!) hahaha!

Since biglaan ang aming punta, she doesn't have time to prepare something... kaya ayun ang aking friend, super patakbo sa kanyang hubby na si Aries sa Susie's dahil alam niyang gustong-gusto kong matikman ang palabok dito.

Tama nga ang reviews ng ibang food blogger dahil masarap nga ang palabok nila! Mas gusto ko ang lasa niya kaysa sa Nanay's and Norma's... medyo malayo nga lang kung dadayuhin pa ito. Sana magtayo sila ng branch sa Manila. Now I realized that hindi lang pala ang Malabon ang magaling at masarap magluto ng palabok... pwedeng-pwede silang tapatan ng Pampanga...

Susie's puto are yummy too. I liked it, naubos yata namin ito... hehehe

Jeffrey took this pic...

We had a great time with my BFF's house
I'm sure will be back again. I will be one of the Ninangs kapag lumabas na si baby... hope it's a boy though. Pero ang wish ko ay kahit anong gender basta healthy baby. Love you friend!!!


Tuesday, August 18, 2009

Cream Puff of Mabini Bakeshop

Isa sa favorite kong bilhin sa Mabini Bakeshop ay ang kanilang Cream Puff... sobrang gustong-gusto ko ang kanilang cream puff because of its softness and creaminess... added bonus na lang yung caramelized sugar on top. Medyo pricey nga lang ang price sa Mabini pero what can I do, eh masarap nga! hihihi....


cutie ang kanilang mini puffs...

wow! sarap ng caramelized sugar....

Ikaw? Natikman mo na ba ito? Bili na!

Mabini Bakeshop
A. Mabini St., Caloocan City

Norma's Palabok

Yesterday was my Mom's Birthday kaya nagpabili ako kay hubby ng Palabok sa Norma's. Ang Norma's ng Navotas ay ang kalaban ng Nanay's Malabon when it comes sa Palabok, before ay solid Nanay's kami kaso lately ay medyo hindi ko na gusto ang timpla ng Nanay's kaya we've switched to Norma's. Last month ay dinayo namin ni hubby ang kanilang store sa Navotas at nag-merienda kami ng kanilang palabok. Aba't masarap nga siya! Kaya yesterday ay doon na lang kami bumili para sa isang simpleng merienda to celebrate mom's birthday.
Sorry for the pics, dahil sa gutom ko, nabawasan ko na bago ko naalalang kuhanan.

Dahil diet ako, konti lang ang kinuha ko! hehehe...

Best to eat with Hazel puto kaso di ko na rin nakuhanan ng pic... haayyy, gutom na talaga!