Thursday, January 13, 2011

The Best Lugawan in Tugatog

This is my 2nd entry for Vicks Lugawan. This is our fave lugawan in our barangay at talagang dinadayo sila kahit looban pa ang kanilang tindahan. Laging "box office" ika nga ng iba ang lugawang ito dahil talaga namang dinudumog sa umaga at sa hapon. The place is located at Libertad St., here in Tugatog, mas lalong kilala kung sasabihin mo ay malapit sa "Virgo". Ang Virgo ay isang mataas na building na halos katapat ng lugawang ito na bilihan ng mga toys from China.
Sobrang presko ang lugar na ito umaga man or sa hapon dahil nga natatabingan sila ng dalawang building na pagmamay-ari ng Virgo.

Madami ang kumakain dito, yung iba ay dumadayo pa talaga, minsan may nakakasabay akong taga-Caloocan City Hall at Malabon City Hall, may mga ahente, negosyante, at marami pang iba na trip na trip ang lugawang ito.


Simple pero masarap lalo na yung suka!
The best ang lugaw, dila, tokwa na super crunchy, penoy,
pritong lumpia at toktwa't baboy
Halos lahat yun ang order!

Actually, konti pa yang mga customers na yan... hehehe.

Yung mga nakatayo ay nagpapa take-out tulad ko :)
Uy! Ayun si Ate Vicks na camera shy ( naka-yellow shirt)...
buti pala nakuhanan ko ng picture!
O pano? Kailan mo dadayuhin ang lugawan na ito?



4 comments:

  1. akala ko Rizza. si ATe Vicky Vergara ang may ari.kilala ko kasi sya pero nung sabi mo yung naka yellow shirt parang di sya hehehe.pero sa Libertad St din sya nakatira asawa ni Kuya Ron. Pag uwi ko kain tayo dyan sunduin kita sa inyo :-)

    ReplyDelete
  2. dadayuhin ko yan minsan pag magkasama tayo...

    ReplyDelete
  3. @ Cielo, sige pag-uwi mo punta tayo dito... for sure pag ilang months na ang new baby girl mo ay maglulugaw na yan, hehehehe...

    @ Peach! sige kain tayo nila Ykaie, Anney at Rome :) eto ba ang ating "food date" this month?

    ReplyDelete
  4. ay sige interested ako jan. kelan? set up natin? sat sun off ko!!!

    ReplyDelete

Let me here from you ...