Friday, July 24, 2009

Tinamad ba ako?

My gosh abelgas! Tinamaan yata ako ng sakit na katamaran at hindi ako nag-post for about 2 weeks...pasensya na mga minamahal kong friends...naging busy ako sa pagiging mommy at wifey sa aking mga anak at hubby.

Bakit nga ba hindi ako nakapag-post? Ayaw gumana ng utak ko at iba ang pinagkakaabalahan nito... Hininto namin ang service ng anak ko, kasi 5:30 am siya sinusundo sa house eh 6:30 ang class niya, kaya naman 4:30 am pa lang ang gising na ako para mag-prepare ng breakfast nila. Kami na ni hubby ang naghahatid sa kanila, ngayon 6:00 am na pumapasok si Jeff, may extrang 30 minutes pa siyang itinutulog. at 5:00 AM na ako gumising, Yehey! Kaso ako naman din ang sumusundo kay Jeff pagdating ng 11:30 am. after ng lunch namin, turuan kami ng naging lesson for that day, then isip ako ng merienda, tapos bantay ng shop till 10:00 pm. Hayyy buhay... yan ang mga dahilan kaya di ako makapag-blog.... (pero siyempre kasama na rin ang katamaran don) mano bang bumati man lang ako sa inyo diba? kaso naka-upo lang ako habang nagbabantay ng shop... at nagmumuni-muni ng mga bagay-bagay... ayan ha...honest ako! hehehe... gawa kaya ako ng poem tungkol sa mga tamad? (hahaha) subukan ko nga mamaya... hmmmmm ay! bukas na lang tinatamad na naman kasi ako eh! hehehehe....

But anyway, sana makabawi ako sa mga post na gagawin ko ngayon! as in ngayon! ngayon na! hehehe....

1 comment:

  1. Aha!!! nakaupo ka lang pala sa shop nyo pag hapon!!

    ReplyDelete

Let me here from you ...