Saturday, July 25, 2009

Bacolod Chicken Inasal

Last week ay nagpunta kami ni hubby sa Megamall at sinamahan ko siyang pumunta sa Gun Show na ginaganap that day sa Megatrade Hall. It was raining hard that day kaya suspended ang classes sa elementary and highschool levels, pero si hubby ay hindi nagpapigil sa pagpunta sa gun show na iyon at aming sinagupa ang malakas na ulan at ang super traffic na EDSA. Pagdating namin don ay gutom na kami kaya ako'y kanyang dinala sa kanyang favorite na Bacolod Chicken Inasal. Madami nang tao, pero we're lucky dahil nakaupo kami agad.

Ayan si hubby kahit umuulan, gustong maglakwatsa....

Madami ng tao...
We ordered two of these - Paa with garlic rice

We tried their famous KBL (Kadyos, Baboy & Langka) kasi nga umuulan at
masarap ang humigop ng mainip na sabaw... haaaayyyy
Masarap pala siya at super nabusog kami ni hubby dito,
ang laki pa ng servings!

Hindi pwedeng walang pasalubong sa mga kids!


At bumili na rin kami ng kanilang "Sinamak" na sarap na sarap sila pero
ako ay hindi naman nasasarapan....hehehe


No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...