Ano ito?
Ang Sinaing na Tulingan ay isa sa ipinagmamalaking pagkain ng Batangas. Ang mga sangkap nito ay sariwang Tulingan, pinatuyong kamias, sampalok, at asin. Ito'y niluluto sa isang malaking palayok at sinisigaan ng matagal na oras. Sa pagkakaalam ko mga 7-8 oras, mas matagal na nakasalang sa palayok mas masarap ang pagkakaluto. May mga nagsasabi na mas masarap ito kapag nilagyan ng taba ng baboy ang ilalim ng tulingan na nakabalot sa dahon ng saging.
Tuwang-tuwa ako ng makita ko sa harap ng supermarket ang palayok na pinaglalagyan ng sinaing na tulingan dahil paborito ito ng aking kabiyak at ni yeye. Kapag Fiesta sa Batangas ay isa ito sa kanyang pasalubong sa amin kasama ang kapartner nitong sawsawan na mga maliliit na mangga na tinatawag na "pajo".
Favorite ko yan may nagbibigay sa amin nito may taba ng baboy at pinatuyong kamias...
ReplyDeletethank you sa pagtangkilik sa ating pagkaing Pilipino, masarap balikan ang tunay na pagkaing malinamnam at tunay na maipagmamalaki sa buong mundo. Gawang Pinoy
ReplyDelete