Ang daming matatamis na pagkain tuwing kapaskuhan kaya naman kami ay bumili lang ng Mango Torte from Dulcelin dahil alam naming maraming magbibigay ng mga matatamis ngayong xmas season. Katulad na lang nitong si Kuya,a week before xmas ay nagdala na sa bahay ng Special na Ube Halaya from Ilocos. Valleden's ang name ng Halaya at masasabi ko na masarap siya at malapit na malapit ang taste niya sa Ube Jam ng Good Shepherd sa baguio.
It's only P 150.00 for almost a kilo ng bigat ng halaya na ito.
Si kuya Al naman tuwing Christmas ay may bigay sa aming Krispy Kreme. My kids likes it very much. Nag-uunahan sila lagi sa mga flavors na gusto nila. But hubby and I prefer the original glazed flavor.
Yummy Mango Torte from Dulcelin...
We had this on Christmas Eve, it's very yummy according to my bunso. Thursday morning when we dropped by at Dulcelin in Times Street. It looks like na kaka-open lang ng kanilang "gate" for customers and ang unang humarap sa amin ay ang kanilang staff which was very friendly. Then lumabas na yung may-ari or in-charge sa selling ng cakes and we were quite disappointed by his attitude. I don't know kung may pagka-Chinese yung guy at parang may pagka-masungit siya sa mga customers. Kung hindi lang gusto namin ni hubby ng mango torte ay hindi na kami bibili sa kanya to think na sinadya pa namin sya sa Quezon City at galing pa kami ng Malabon. Sabi nga ni hubby, mayabang na porket Christmas season at marami ang bumibili ng Mango Torte niya. Hmmp! Kung ganyan naman lagi ang bibilhan eh di bale na lang!
Masarap nga kasi, kaya mayabang ang mama... buti na lang ay nasulit ang inis ko ng lasa ng torte niya. Masarap ang layer na maraming nuts, the cream is to die for but the fresh mango was not that sweet.
I'm thinking kung bibili pa uli ako sa Times or sa ibang outlet na lang para
di ko na makita ang mama na iyon!
thumbs up for both! :D
ReplyDelete