Yesterday habang ako'y nandito sa aming shop ay wala akong magawa, napuntahan ko na ang mga blogs na dapat kong basahin, naubos ko ng basahin ang balita sa pep.ph, journal.com.ph, philstar.com, abante.com.ph atbp., parang gusto kong may magawang kakaiba. Kaya ayun, pinagana ko na naman ang aking pagiging makata at within a few minutes ay natapos ko itong simpleng tula ng isang taong bored sa Maynila at gustong mamasyal sa iba't-ibang lugar dito sa Pinas.... Haaayyyy, lumabas dito ang mga gusto kong puntahan sa susunod na lakwatsa namin ni hubby... kung rich lang kami... madali sanang mamasyal, hehehe... kaso kailangang pag-ipunan ang pagdalaw sa mga lugar na ito.
Eto mga friends.... para sa mga gustong mamasyal na katulad ko.
Gusto kong mamasyal…
Gusto kong pumunta sa province ng Palawan
Mag-ikot sa Puerto Princesa at pumunta sa Mitra Farm
Kay Ka Lui kakain ng masarap na hapunan
At maliligo na rin sa beach na may white sand.
Gusto kong ring puntahan ang probinsya ng Bohol
Mag lunch sa Loboc River habang pasipol-sipol
Excited akong makita, smallest monkey in the world
At ipagmalaki ito all over the world.
Gusto ko ring pumunta sa General Santos City
Para makita ang Tuna capital ng ating country
Baka sakaling makita ko si Manny P.
At ng makahingi ako ng kaunting money.
Hay anong sarap, siguro sa Davao
Habang nanonood ng Kadayawan Festival
Samyo ng mga Durian siguradong kaulayaw
Challenge sa aking kainin baka ako ay maduwal.
Mapunta naman tayo sa gawing norte ng bansa ko
Doon sa Ilocos region ay gustong-gusto ko
Kumain ng bagnet at empanadang Ilocano
Siguradong solve na solve ang biyahe na ito.
Kung gustong malamigan sa Baguio dumaan
Kung gusto ninyo ng jam Good Shepherd ang puntahan
Habang naglalakad sa Burham park ay huwag kalimutan
Na sumakay sa mga bangka at doon ay magsagwan.
Dito naman sa Pampanga sisig ang bidang-bida
Mapa Mely’s o Aling Lucing masisiyahan ka
Kung gusto ng medyo sosi kay Claude Tayag magpunta
At ng iyong matikman lutong da best talaga!
Sa may parteng Bulacan aba’y sweets ang sikat diyan
Ensaymada, leche flan at inipit na may palaman,
Simbahan ng Barasoain aba’y dapat masilayan,
Pagka’t bahagi ito ng ating kasaysayan.
Dito sa Manila, bising-bisi ang mga tao
Laging nagmamadali parang hinahabol ng kung sino
Bakit ‘di nila subukang ikutin ang mga lugar dito,
At taas noo ipagmalaki…Pilipinas ang bansa ko!
Haayyy.... sana may makabasa nitong may ginintuang puso ay bigyan ako ng free airline tickets para mapuntahan ang mga lugar na ito... wahehehehe...
hello rizza hehehe
ReplyDeletenabasa ko ang tula mong super ganda! pero teka ala akong ibibigay na plance ticket sa iyo ah!! lol ang galing!! nlilibang akong basahin ang blog mo. nkita ko ito sa page ng frend ko na si erosalyn then after i used to read ur blog
anyway, im maruh i am living in france uuwi kame sa january para sa baptismal ng aking baby girl. i would like to be friends with u if you won't mind.
keep on blogging i really enjoy reading it!!
anyway, sa place na gusto mong pasyalan we've been in palawan sobrang ganda at its true ke ka lui sobrang mura ang pagkain at napaka sarap pa. pumunta kame ng puerto princesa year 2007 at halos araw araw kameng nakain sa restaurant na yan!! good luck sa iyong pag babyahe at enjoy!!!
ReplyDeleteHello! Salamat naman at na-appreciate mo ang aking poem... pag walang magawa ay talagang nakakagawa ako ng instant poem katulad nito yung frustration ko to travel outside Manila ay ibinuhos ko dito, hehehe... hope to meet you in person soon... classmate ko si Ero nung college.
ReplyDeleteBonjour rizza thanks for the add in friendster now we're friends!! hahaha i am planning to do my blog too next year la pang time eh. oo nga sana makapag meet tayo. classmate ko din si ero nung elementary palang. now na me mga anak na kame naging kumare ko na sya at kaibigan ko pa rin till now. Hope to see you soon!
ReplyDeletehave a good time!!
maruh
Hi Rizza,
ReplyDeleteAng ganda ng tula mo, dinaig mo kaming Bulakenyo, pero hindi pa huli ang lahat ng ito, pagkat marami pa ang mararating mo, ang sumasaiyo mung kamag-anak na di makalilimot kahit sa friendster at facebook. Looking foreward to see you all. Maligayang Pasko at minigong bagong taon sa inyo in advance, you all take care.
Danding Jr.
PS. 29'Nov.09
Ang anak kung si Fernando Oteyza ay nariyan ngayon sa 821, A. Pablo St. Malinta, Val. City, Tel # 444-4529 c/o Caring Liwanag,@ sa 29 Dec. pa ang balik d2 sa Canada, sila T2 Bam ay nandiyan din hanggang Jan. 2010, sana mag-kita kita kayo at mag-kakilala, alam ni Doyet ang lugar na titigilan nila.