Yes! He made it to the Top 10!
Mukhang sinusundan ang yapak ng kanyang kuya Justine. Tuwang-tuwa ako dahil alam kong mahirap mapasama sa Top 10 kapag nasa Cream Section. Pero kinaya ni Jeff ... Hindi ako nagsisisi to close down my fruit shake biz to concentrate on him. Ang gumising ng 4:00 am para ipaghanda siya ng almusal ay isa sa sakripisyo ko, hehehe, ayaw niya kasi ng bread sa umaga, gusto niya laging heavy breakfast. Tapos tulog ako ng 11:00 pm dahil ako ang nagsasara ng shop. Haayyy.... balewala ang mga ito kung ganito naman ang performance ni bunso. Si Jeffrey mahilig maglaro ng DOTA at Audition dito sa shop, pero may oras siya at kayang kontrolin ang kanyang sarili sa paglalaro. Pag-uwi nya galing school ng 12:00 ay kakain na kami ng sabay ng lunch with daddy at pagdating ng 1:30 pm aakyat na yan sa kwarto at alam niyang mag-aaral na kami, yun ang kanyang everyday routine at study habit, pagdating ng 3:00 pm, sasabihin niya "Merienda na mommy" hehehe...hudyat na yon na tapos na ang aral namin!
Nung kinder 2 siya ay hindi siya nakakatapos magsulat kaya nakiki-kopya pa ako ng ibang notes sa ibang mommy. Ngayong nag-grade 1 na siya ay everyday tapos ang notes niya at siya na ang kinokopyahan ngayon, hehehe... tanong ko sa kanya "Anak buti at nakakatapos ka ng pagsusulat?" aba ang sagot ba naman "Mommy kasi magmula ng maglaro ako ng Audition bumilis ako na-practice yata yung mga fingers ko kaya ayun, tapos ko notes namin sa school" hehehe....nakakatulong pala iyon?????
No comments:
Post a Comment
Let me here from you ...