Sunday, September 20, 2009

ACET

Wow! It's the 2nd day of the Ateneo College Entrance Test (ACET). Ang aga kong gumising, nag-alarm ako ng 4:00 am para maipagluto ng medyo heavy breakfast si Justine. Umalis kami ng bahay ng 5:30 am, pero pagdating ng Balintawak ay super traffic na dahil may nagbanggaang bus at truck kaya lumiko na lang kami ng A. Bonifacio at nag Araneta Ave. then Quezon Ave. na lang kami para hindi ma-late sa kanyang morning session test. Juice ko day! ang hirap ng kinuhang kurso nitong anak ko.. BS Chemistry w/ Materials Science and Engineering (BS CH-MSE) kasama pala itong course na ito sa Honors Programs ng Ateneo wherein kailangan ay nasa Top 15% ka ng ACET examinees para makapasok sa first and 2nd choice nya, ang 2nd choice niya ay BS Chemistry.
Around 7:15 ay pinapila na ang mga examinees papunta sa kanilang designated rooms. Sa high school building na-assign si Justine.


Dito ako tumambay sa high school cafeteria mula 7:30 am hanggang 12:30...kakainip mag-antay, buti na lang may nakilala akong 3 mommies na taga-Notre Dame kaya may ka-chikahan ako don. At dahil dito ako tumambay ay nabusog ako sa kakaantay kay Justine... galante yung isang mommy from Notre Dame, nanlilibre!!! hehehe...


Around 10:30 ay nagpaalam ako sa mga chikadorang mommies dahil nag-attend ako ng mass sa Chuch of the Gesu. I prayed that sana ay makapasa ang anak ko sa lahat ng inexaman niya at sana ay mapasa niya yung scholarship application niya sa Ateneo.


Hayyy, salamat naman at natapos na ang series of exams ng mga college entrance tests niya. UP, UST, and Ateneo, ayaw niya kumuha sa La Salle ewan ko ba kung bakit eh yun ang pinaka-accessible na school sa apat. LRT lang pagbaba ng Vito Cruz school na, ayaw ba naman! Haayyy... e di sige ayaw kung ayaw! Hehehe...

Ngayon, ang gagawin na lang namin ni hubby ay maghintay ng January 2010 for the results ng kanyang mga entrance test.






No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...