Tuesday, September 22, 2009

Crispy Tinik

Ang tagal tagal ko ng hindi nakakakain ng Crispy na tinik na ito. Kaya super happy ako nung may nakita ako sa SM Supermarket. Dati nung unang kita ko nito ay parang creepy ang dating sa akin. Imagine, kakainin mo ang tinik at aagawan mo pa si Muning ng kapitbahay ninyo, hehehe. Yung unang nag-alok sa amin nito ay isang kakilala na galing ng Cebu. Masarap daw ito ay hindi kami magsisisi. So parang sapilitan pa ang pagbili namin noon, juice ko day! nung natikman na namin ay kami na yata ang nakaubos ng lahat ng dala nilang Crispy Tinik from Cebu. Matagal na iyon, dati nakakabili ako sa Binondo nito, pero hindi na nasundan. Nung Sunday habang bumibili ako ng Sinaing na Tulingan ay namataan ito ng aking anak na si Justine at nagpabili nga. Ayun at dalawang araw kong niluto ang isang pack para sa almusal.

eto ang itsura niya kapag binili.


Iprito lang sa konting mantika at madali na siyang maluto. Pumula lang siya ay ok na.

Ayan... super crispy na tinik. Sarap!!!


2 comments:

Let me here from you ...