Sunday, September 13, 2009

Kare-Kare

Kaninang tanghalian ay ito ang aming ulam. Kare-Kare dahil bukod sa araw ngayon ng Linggo ay selebrasyon rin ng araw ng mga lolo at lola. Hindi ko alam kung bakit paboritong-paboritong ulam ito ng aking dalawang anak. Basta ito ang ulam ay talaga namang napapaaga ang aming tanghalian. Simple lamang ang mga sangkap ng luto ni Yeye na Kare-kare, twalya, mansanilya (paborito kong parte) at paa ng baka na nagpapalinamnam ng sabaw nito. Sa gulay naman ay sitaw, talong at petsay lang inilagay ko, hindi na ako bumili ng puso ng saging dahil hindi naman nila kinakain. 1/4 kilo ng giniling na mani, 1 guhit na giniling na bigas, at asuete. Mabuti na lamang at naimbento ang "pressure cooker" para mapalambot ang mga lamang loob at paa ng baka na sangkap ng kare-kare.


Ito ay para sa akin lamang, hindi ako nakasabay sa kanila sa pagkain sapagkat ako'y nagbabantay dito sa aming kompyuter.


Konti lang ako kung gumamit ng bagoong.
Madami akong nakakaing bagoong kung luto ito ng aking lola.




1 comment:

  1. Hi!

    Your kare kare looks really delicious!

    I'm collecting a list of the best kare kare recipes in my blog, and I included your kare kare recipe (just a link though, hope you don't mind). You can see it at
    http://kumain.com/kare-kare-2/

    Keep in touch!

    ReplyDelete

Let me here from you ...