Friday, September 11, 2009

Masarap na merienda kapag tag-ulan

Ulan ng ulan at kapag ganito ang panahon ay talaga namang masarap ang kumain ng mga maiinit. Kaninang alas-tres ng hapon as usual ay gutom na ang aking hubby na diabetic. I told him na bumili nang lugaw (congee) sa ngayong sumisikat na lugawan dito sa Tugatog. Buti na lang at napadaan si Bien, ang kanyang pinsan cum reliever namin dito sa shop pag kami'y naglalakwatsa at si Bien na ang bumili ng aming merienda. Hayyyy.... masarap ang lugaw dito sa Vick's Lugawan sa Libertad St., malapit sa may Virgo (bilihan ng plastic toys na mura) pero tiyagaan lang sa paghihintay dahil madami ang kumakain at nagpapabalot. Si Bien nga ay halos kalahating oras kong inantay, madami daw kasing kumakain. Aba kahit looban sila ay dinadayo na itong lugawan na ito.

Plain Lugaw (Congee) P 8.00

Eto ang pinakamabili sa kanila, Tokwa't Dila
P 32.00 ang dila at P 8.00 naman ang tokwa.
Ang nakaka-adik dito ay yung sawsawan nila na tamis-anghang ang lasa.

Ayan, at dito kami kumain sa shop.... for me, for hubby and for Jeffrey.
(wala pa si Justine nasa school pa kaya for three lang itong lugaw...hehehe)



No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...