This poem is dedicated to all Filipino bloggers out there... as what i've told you, mahilig akong gumawa ng mga tagalog poems... kaya para sa inyo ito!
Blogger ako!
Ako’y isang blogger, ipinagmamalaki ko!
Hindi mapigilang pumindot sa keyboard na ito
Paggising sa umaga, bubuksan ang PC ko
At sa kapwa blogger ay babati ako.
Laging may dalang camera saan man magpunta
Baka maka-scoop ng bagong maibibida
Sa bagong kainan o pasyalan, laging nakamata
Tumatalon ang puso, kapag nakauna.
Nagkaron ng new friends dahil sa hobby na ito
Lumawak ang link, tuwang-tuwa ako
Ngayon pati mga bloggers E.B. pinupuntahan ko
Kasi nga naman ay, kilala na rin nila ako.
Hay buhay blogger, tingin ko’y hindi simple
Kailangan mo rin ng budget para may pambile
Ng mga pagkain, load, gas at pamasahe
Para ang entry mo ay maging swabeng-swabe.
Pansin ko lang sa ating mga blogger
Nasisira ang ating mga zipper
Sa weighing scale ng aking brother
Kitang ako’y isang certified food blogger!
By: simplemomrizza