Friday, February 25, 2011

Liempo... ang Sarap!

Hahaha! Ang galing! May kapitbahay kaming nagtitinda ng litsong manok. Minsan naitanong ko kung bakit hindi siya nagtitinda ng liempo na katulad ng sa Andok's at Baliuag Lechon, sinabi niya na mas mahal ang puhunan. Hindi na ako nagtanong mula noon dahil talagang litsong manok lang ang kanyang specialty. Minsan naisipan kong itanong kung pwedeng magpa-ihaw na lang ako ng sarili kong liempo, agad namang pumayag, kaya super happy ako at bumili ako ng liempo at pinahiwa ko ng katulad ng nabibili sa labas. Inasinan lamang ito ni Yeye at kinabukasan na namin pinaluto para talab ang alat sa loob.


O di ba, sumingit talaga ang liempo ko!



Inihaw ito ng 1 1/2 hours

Tsaran!!!! Masarap pa sa Andok's at Baliuag!!!!
Super crunchy ng balat niya at juicy ang meat niya inside :)
Mauulit ito, promise!
Di kumpleto kapag walang sawsawan!
Kain tayo :)


2 comments:

  1. wow ang lakas mo sa nag iihaw ah! ako din nag o oven ng liempo asin din ang nilalagay ko sea salt na galing sa probinsya ng biyenan ko oo nga tagal lutuin ako pag sa oven 2 and a half hours minsan pa nga abot 3 oras same size din ng liempo mo. nakakainip mag intay maluto. Pasawsaw nga! yum :)

    ReplyDelete

Let me here from you ...