Bata pa ako ay favorite ko ng inumin ang softdrink na ito. Lumaki akong kasabayan na ang pag-iiba ng hugis ng bote nito. Alam ko dahil may sari-sari store ang lola ko. Ganunpaman, mag-iba man ang hugis at porma niya ay hindi nag-iiba ang lasa at sayang kanyang dala kapag ito’y natikman ko na.
Kapag nakakita ako ang bote ng coke, unang pumapasok sa isip ko ay AKO. Sakto at swak siya sa personality ko! Masaya akong kasama at masarap kakwentuhan ika nga ng mga kaibigan ko. Noong otso (8) anyos ako ay tandang-tanda ko ang napakasayang birthday party ko dahil nag-invite ako ng mga classmates ko sa house namin at kumain ng spaghetti, shanghai at cake with siyempre Coke as our panulak na drink!
Madaming celebrations na kasama ko ang coke sa buhay ko. May masaya, malungkot, nakakainis, nakakaiyak at madami pang iba! Speaking of inis, alam ninyo ba na nung grumaduate ako ng elementary ay twelve (12) years old ako at siyempre may tsibugan sa house, kahit hindi ako honor ay pinaghanda naman ako ng lolo at lola ko. Masaya kaming nagkakainan ng matapunan ng Coke 500 na hawak ng pinsan ko ang graduation dress ko! Naiyak ako sa inis kasi feeling ko ang ganda-ganda ng dress ko, tapos natapunan lang eh hindi pa tapos ang momentum ko ika nga eh hinubad ko na ang damit ko!
High school na ako at siyempre bagets na bagets na ang looks ko. Nagkakaroon na ng crush kaya feel na feel ko noon ang commercial ng Coke na “First Time” (first time, first love oh what feeling is this electricity flows like a very kiss… kilig pa din ako sa commercial na ito). At siyempre nagkaroon akon ng solid na kabarkada na laging bumibisita sa house. Pag gumagawa kami ng projects, si lola ay masaya kaming pinag-memeryenda ng niluto niyang nilupak at hati-hati kami sa family size na Coke na binubuhos namin sa mga basong (pinaglagyan ng isang brand ng kape) puno ng yelo…ahhhhh…sarap talagang maalala ang high school life ko…
At dahil sa ako naman ay kagandahan (hehehe…nagbuhat daw ba ng sariling bangko?) nung teenage years ko ay naging ligawin at maagang nabihag ng aking esposo sa edad na daisy-sais. Oo, hindi ka nagkamali ng basa… 16 years old ako nag-asawa at naging batang ina sa edad na daisy-syete. Sa mga pinagdaanan kong takot (takot magsabing preggy ako), saya (dahil inintindi naman ako ng family ko) at sa feeling roller coaster ride ng pagiging teenage mommy ay kasa-kasama ko pa rin ang Coke sa mga happenings sa buhay ko. Yun nga lang ang ine-enjoy ko ng buksan sa hapag-kainan kasabay ng yummy naming ulam at mainit na rice ay Coke 1.5 na, kasi hindi na kasya ang 500 at Family size ;)
Hindi naman natapos don ang ikot ng gulong ng life ko. Nakabalik ako sa school para tapusin ang kurso ko pagkatapos ni hubby ng course nya ay ako naman ang nag-aral. Halos sabay kami ng panganay kong pumasok, 4 years old siya (Kinder 1) at ako naman ay 2nd year college sa iisang school, imagine mommy at anak both in their uniforms pumapasok every morning, eh yung ibang mommies hanggang gate lang gustuhin man nilang pumasok para ihatid hanggang classroom ang mga junakis nila ay hindi pwede, unless na gayahin nila ako, mag-enroll sila uli…hehehe daig ko sila…hehehe…may ganun! Nung nakatapos ako ng college ay halos umiyak ako ng 2 litrong luha sa sobrang saya at fulfillment na naramdaman ko. Kahit maaagang nag-asawa ay no regrets dahil pareho naman kaming nakatapos ni hubby. After ng graduation ay nag-celebrate kami ng family ko sa favorite naming chicken house. Siyempre, mawawala ba naman ang favorite na panulak ng bayan? 2 liters of ice cold Coke sa bawat mesa na aming inakupa ang unang sumayad sa aming uhaw na lalamunan habang nag-aantay ng inorder namin!
Those were the days na ang sarap maalala na kapi-kapiling ang mahal sa buhay kasama ang softdrinks ng pinoy… walang iba kundi ang Coke!
Haaayyy… ang Coke at Ako talagang sakto! Bawat laki ng bote nito…parang itinadha sa buhay ko, dalawa na ang kids ko pero Coke pa din ang de bote ko!!!
Ikaw? Anong kwentong Coca-Cola mo?
Coke zero..diet ako eh...LOL!
ReplyDeletewhat a nice story riz! reading this post get to know you more :) uy, meron din ako story about coke. lam mo ba yung nag labor ako ke bibingclara isang coke in can ang ipinainom sakin ng kumadrona inadvise nya para daw dumulas at di ako mahirapan (pero lumabas pa din syang pinorceps)about coke ang sarap nga inumin nyan pero dito nainom lang kame pag me occasions at depende sa mood like pag pasko coke vanilla at cherry flavored tas etong halloween naman eh mga coke citrus ( mga oranges motif kasi ) aprove talaga ang coke! AHhhhh :)
ReplyDeleteAko i seldom drink soft drinks but if I do, its almost always COKE ZERO
ReplyDeleteCoke zero ang lagi namin iniinom ni sis. Eto nga bibili sya dapat ng gamot sa mercury tinatanong nya ko kung may ipapabili ako. Sabi ko 10 coke zero. Ayaw ba namn at mabigat daw. nagtanong pa talaga no? Nagpabili na lang sa kapitbahay namin.
ReplyDeleteRoyal at Sprite and mood ko. hehe
ReplyDelete