Friday, August 6, 2010

My breakfast and the Mobile Taho

Uy, this is my breakfast kanina. Buti na lang at bago bumagsak ang ulan ay nakabili na ako... Ang tagal ko ng hindi nakakain ng taho dahil lagi akong nagluluto ng almusal for my kids para bago pumasok sa school ay nakapag-breakfast sila. I love my taho with lots of sago and arnibal.

Ahhh... sarap talaga lalo na ito at mainit pa ;)

At eto pa, katuwa naman itong magtataho sa amin, ayaw na niyang maglakad at ayan ang naging gimik nya, ang Mobile Taho! Oo nga naman, kakapagod din namang maglakad ng malayo at may nakasampay sa iyong balikat na kawayan na bitbit ang mabibigat na lalagyan ng taho. Sana iyong ibang magtataho ay makakuha ng inspirasyon dito kay Manong at gayahin na rin nila, para hindi na dumami ang mga varicose veins nila, o di ba?

Sago and arnibal...

Kain tayo!!!





3 comments:

  1. what a healthy breakfast! masarap nga kapag mainit init pa! oo nga ok ah naka pedicab na ang magtataho ngayon :)

    ReplyDelete
  2. taho!! taho!! :D I don't like it with lots of the syrup.. gusto ko more sago :D

    ReplyDelete
  3. Ang sosyal ng magtataho naka sidecar na. hehehe!

    ReplyDelete

Let me here from you ...