Sa ganitong panahon na napakainit ng paligid at halos lahat ay uhaw na uhaw sa sofdrinks na malamig, sa tubig na maraming yelo, sa juice na sobrang refreshing at sa halo-halong kay tamis... talaga namang ako ay mapapapunta sa mall para kumain ng paborito kong halo-halo ng Razon's. The other day, hindi ako nag crave for cake, pizza or pasta kundi sa napaka-simple at napakasarap na halo-halo ng Razon's. Nilambing si hubby at go kami sa MOA, since may binili kami doon ay dito ko na lang siya inaya na mag-merienda.
Ang sarap-sarap niya talaga.... haaayyyy....
Samahan pa ng kanilang espesyal at simpleng palabok....
i agree razon's halo halo for me is the best! simple ingredients lang talaga at hindi nakakasawa yan ang secret nila kaya babalik at babalikan mo. i love their palabok too i can eat two servings of it at a time :)
ReplyDelete