We love chocolates! Yes, my family are chocolate lovers. Pero hindi naman kami bumibili nito, nag-aantay na lang ng pasalubong from family and friends...hehehe. Sa dami kasi nila na nasa abroad ay parang hindi naman kami nawawalan ng supply nito. Si kuya halos every 2 months kung umuwi ay laging may pasalubong na chocolates for us, yun nga lang medyo limited na ngayon kasi nga naging diabetic si hubby (ayaw naman siyempre niyang masisi kung tumaas ang blood sugar ni topher, hehehe). Pero naman itong asawa ko... diabetic na nga pero he really can't resist eating these... yun nga lang, talaga namang super burn sya ng calories every morning kaya pag nagkuha na sya ng blood sugar ay normal pa rin ang level...galing!!!
Thursday, October 28, 2010
Dunkin' Yan
Uy, this is Jeff's latest craze! Gustong-gusto ni Jeff ang bagong addition na ito ng Dunkin' Donuts. Masarap nga naman siya at super soft ng bread. Na-try nyo na ba ito? I would suggest you try this dahil ako ay nagustuhan ko rin ang lasa nito.
Ice cream!
After we ate our dinner, maya-maya lang ay kinain na namin itong Selecta's Choco Almond Fudge na binili ko sa Ever malapit dito sa amin nung binili ko yung Lapid's Chicharon. Hayyy, sarap naman na masunod ang cravings paminsan-minsan... hehehe....
Sarap!
Sarap kumain kapag umuulan-ulan eto ang iyong lalafangin... hayyyy, until now ay hinihimas-himas ko pa din ang tiyan ko kahit last night pa namin ulam ito...
Saturday, October 23, 2010
Coke at Ako
Bata pa ako ay favorite ko ng inumin ang softdrink na ito. Lumaki akong kasabayan na ang pag-iiba ng hugis ng bote nito. Alam ko dahil may sari-sari store ang lola ko. Ganunpaman, mag-iba man ang hugis at porma niya ay hindi nag-iiba ang lasa at sayang kanyang dala kapag ito’y natikman ko na.
Kapag nakakita ako ang bote ng coke, unang pumapasok sa isip ko ay AKO. Sakto at swak siya sa personality ko! Masaya akong kasama at masarap kakwentuhan ika nga ng mga kaibigan ko. Noong otso (8) anyos ako ay tandang-tanda ko ang napakasayang birthday party ko dahil nag-invite ako ng mga classmates ko sa house namin at kumain ng spaghetti, shanghai at cake with siyempre Coke as our panulak na drink!
Madaming celebrations na kasama ko ang coke sa buhay ko. May masaya, malungkot, nakakainis, nakakaiyak at madami pang iba! Speaking of inis, alam ninyo ba na nung grumaduate ako ng elementary ay twelve (12) years old ako at siyempre may tsibugan sa house, kahit hindi ako honor ay pinaghanda naman ako ng lolo at lola ko. Masaya kaming nagkakainan ng matapunan ng Coke 500 na hawak ng pinsan ko ang graduation dress ko! Naiyak ako sa inis kasi feeling ko ang ganda-ganda ng dress ko, tapos natapunan lang eh hindi pa tapos ang momentum ko ika nga eh hinubad ko na ang damit ko!
High school na ako at siyempre bagets na bagets na ang looks ko. Nagkakaroon na ng crush kaya feel na feel ko noon ang commercial ng Coke na “First Time” (first time, first love oh what feeling is this electricity flows like a very kiss… kilig pa din ako sa commercial na ito). At siyempre nagkaroon akon ng solid na kabarkada na laging bumibisita sa house. Pag gumagawa kami ng projects, si lola ay masaya kaming pinag-memeryenda ng niluto niyang nilupak at hati-hati kami sa family size na Coke na binubuhos namin sa mga basong (pinaglagyan ng isang brand ng kape) puno ng yelo…ahhhhh…sarap talagang maalala ang high school life ko…
At dahil sa ako naman ay kagandahan (hehehe…nagbuhat daw ba ng sariling bangko?) nung teenage years ko ay naging ligawin at maagang nabihag ng aking esposo sa edad na daisy-sais. Oo, hindi ka nagkamali ng basa… 16 years old ako nag-asawa at naging batang ina sa edad na daisy-syete. Sa mga pinagdaanan kong takot (takot magsabing preggy ako), saya (dahil inintindi naman ako ng family ko) at sa feeling roller coaster ride ng pagiging teenage mommy ay kasa-kasama ko pa rin ang Coke sa mga happenings sa buhay ko. Yun nga lang ang ine-enjoy ko ng buksan sa hapag-kainan kasabay ng yummy naming ulam at mainit na rice ay Coke 1.5 na, kasi hindi na kasya ang 500 at Family size ;)
Hindi naman natapos don ang ikot ng gulong ng life ko. Nakabalik ako sa school para tapusin ang kurso ko pagkatapos ni hubby ng course nya ay ako naman ang nag-aral. Halos sabay kami ng panganay kong pumasok, 4 years old siya (Kinder 1) at ako naman ay 2nd year college sa iisang school, imagine mommy at anak both in their uniforms pumapasok every morning, eh yung ibang mommies hanggang gate lang gustuhin man nilang pumasok para ihatid hanggang classroom ang mga junakis nila ay hindi pwede, unless na gayahin nila ako, mag-enroll sila uli…hehehe daig ko sila…hehehe…may ganun! Nung nakatapos ako ng college ay halos umiyak ako ng 2 litrong luha sa sobrang saya at fulfillment na naramdaman ko. Kahit maaagang nag-asawa ay no regrets dahil pareho naman kaming nakatapos ni hubby. After ng graduation ay nag-celebrate kami ng family ko sa favorite naming chicken house. Siyempre, mawawala ba naman ang favorite na panulak ng bayan? 2 liters of ice cold Coke sa bawat mesa na aming inakupa ang unang sumayad sa aming uhaw na lalamunan habang nag-aantay ng inorder namin!
Those were the days na ang sarap maalala na kapi-kapiling ang mahal sa buhay kasama ang softdrinks ng pinoy… walang iba kundi ang Coke!
Haaayyy… ang Coke at Ako talagang sakto! Bawat laki ng bote nito…parang itinadha sa buhay ko, dalawa na ang kids ko pero Coke pa din ang de bote ko!!!
Ikaw? Anong kwentong Coca-Cola mo?
Saturday, October 16, 2010
Devil's Food Cake from Chocolate Kiss
Super late itong post ko about my birthday kaya hope you'll forgive me guys. Anyway, I got three cakes on my birthday, Justine brought home Devil's Food Cake from Chockiss UP branch, a Mango Cake from Red Ribbon courtesy of my niece Marise and a half roll Chocolate Cake from Goldilocks from a friend.
one, two, three cakes...
Friday, October 15, 2010
My Birthday Celebration @ Emerald
Everytime na dumadating ang birthday ko, si hubby ang super busy sa kaka-scout kung saan kami magse-celebrate. Two weeks before my day ay nangungulit na siya kung saan ko gusto and I always answer him na "I'll just ask the kids". Siyempre si Justine ay super suggest ng kanyang mga fave restaurant but we ended up sa number one Chinese restaurant for us which is Emerald Garden. The food there is not that expensive and they offer yummy dishes and fresh seafoods always.
Here is what we ordered on my special day :)
(depends on it's weight)
Eat All You Can Merienda for P 70.00 at Rafael
Nung araw ng birthday ko ay nataon namang may Eat All You Can Promo (Pinoy merienda) ang Rafael Restaurant for only P 70.00 kaya inaya ko ang mga kaibigan kong mommy sa school ni Jeff na doon mag merienda. Nakakatuwa kasi ay sulit naman ang halaga nito dahil talagang magpapabalik-balik ka sa sarap ng kanilang mga merienda. Here are the pics of the food na kabilang sa promo nila.
Palabok, Macaroni, Bihon con Sotanghon
They also have Arrozcaldo with tokwa't baboy, sumpia, penoy
and Dinuguan (the best!) with puto
They also have Arrozcaldo with tokwa't baboy, sumpia, penoy
and Dinuguan (the best!) with puto
The best sa mga natikman ko ng Ginataang Monggo!
They have minatamis na kamoteng kahoy
Friday, October 8, 2010
A Year Older!
Two days ago was my 34th birthday... friends on FB greeted me that day. I was overwhelmed because there's a lot of friends who greeted me that day and even on my cellphone. Got a gift from my two boys... A yellow cap! I really really love the words embroidered on it....
Kaya pala Jeff was asking me to open my cabinet, kaso hindi ko na-gets na may gift pala sila sa akin and I just continued encoding my typing jobs for that day. Naalala ko na lang bandang afternoon na and I saw this cute yellow cap. It's more special kasi may nakasulat palang handwritten letters both sides :)